Wonder

‘Wonder Kap’ Marie ‘Most Outstanding Public Servant’

August 22, 2023 People's Tonight 446 views

KINILALA bilang Most Outstanding Public Servant si Barangay Captain Marie F. Marcelino ng Barangay Ususan, Taguig City ng Dangal ng Lahing Filipino Awards sa isinagawang pagkilala ng mga natatanging Pilipino sa The Heritage Hotel sa Lungsod ng Pasay nitong Agosto 20, 2023.

Ang Dangal ng Lahi ay isang award-giving body sa Pilipinas na nagbibigay ng award sa mga Pilipino na mayroong malaking kontribusyon para maiangat ang antas ng buhay ng kanyang kapwa at maitaguyod ang komunidad.

Ang nominations sa iba’t ibang kategorya ng parangay ay dumaadaan sa evaluation, background investigation at deliberasyon.

Isa si Kap. Marie, na kilala sa tawag na “Wonder Kap” ng Taguig City, sa ginawaran ng parangal para sa taong ito.

Ayon sa Dangal ng Lahi, si Kap. Marie ay kinikilala dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa sa pagpapayabong at pagpapanatili ng mayamang pamana at tradisyon ng Pilipinas.

Si Kap. Marie ay isa sa mga namamayagpag na local public servants sa Lungsod ng Taguig. Una siyang naihalal na kapitan noong 2013 at muling sasabak para sa ikatlong termino ngayong darating na halalang pambarangay sa Oktubre.

Bilang kapitan, isa sa kaniyang flagship programs ang libreng serbisyong medikal kasama ang laboratory at check-up sa kanyang nasasakupan.

“Ang laki po nang natitipid nila dahil ang isang test po, katulad sa urine test ay aabot ng P50 to P150, yung complete blood count test ay aabot ng P300 to P500, at complete blood chemistry ay nasa P3,200 kung ipapagawa po sa private diagnostic centers pero dito po sa Barangay Ususan libre po nating ipinagkakaloob ito,” sabi ni Kap. Marie.

“Naniniwala po tayo sa kasabihang ‘prevention is better than cure’ kaya bawat test po na ginagawa natin sa barangay, buhay po ang ating naililigtas. Lalo na at ayon sa pag-aaral, ang main cause of mortality o pagkamatay ng Pilipino ay ang ischemic heart disease, cancer, pneumonia, at diabetes,” dagdag pa nito.

Kasama rin sa kanyang programa ang foodbank system ng barangay upang tugunan ang food security, kalinisan at disaster resilience sa barangay.

Dahil sa kaniyang mga nagawa, matunog ang pangalan ng beteranong kapitana sa mga posibleng umakyat sa mas mataas na posisyon sa 2025.

AUTHOR PROFILE