Jackbie

Wish ni Barbie, relasyon kay Jak pang-’fourever’

May 20, 2021 Vinia Vivar 229 views

Nagdiwang ng 4th anniversary as a couple sina Jak Roberto at Barbie Forteza last Tuesday. Sa kanilang Instagram account ay nagpalitan sila ng matamis na pagbati at nagpatalbugan ng kani-kanilang mensahe.

Parehong bongga ang kanilang anniversary message sa isa’t isa pero nagmarka sa amin ang deklarasyon ni Jak na si Barbie na ang “the one.”

“Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin!

“Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!” ang nakakakilig na anniversary message ni Jak for Barbie.

Sagot naman ni Barbie, “@jakroberto I love you (heart emoji).”

Sa post ng aktres sa kanyang IG para sa BF, hiling niya na sa ay 4-ever na ang kanilang relasyon.

“Four years. Four years na kitang kasama. Four years na tayong nagtatawanan. Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema. Four years na tayong nagsspicy noodles. Four years na tayong masaya.

“FOUR YEARS NA AKONG MASAYA. Sana FOUREVER na.

“Ano sa tingin mo? @jakroberto ?? Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! I love you,” ang mensahe ni Barbie sa BF.

Sagot naman ni Jak sa comment section, “Happy 48 months mahal kong sexy!!! I love you so much!!!”

Dumagsa naman ang pagbati ng mga kapwa-artista sa dalawa pero agaw-pansin ang komento ni Julie Anne San Jose na nagtatanong kung kailan sila pakakasal.

“Grabe mamiiiiiiiii kelan kasal?” komento ni Julie Anne.

REIMAGINED VERSION

Matapos mag-trending ang kanyang cover ng Shine, ilalabas na ni Morissette ang opisyal na recording niya ng nasabing kanta ngayong Biyernes bilang selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng kanta.

Ang rendisyon niya ay pagpapakilala muli rito tampok ang original lyrics ng awiting isinulat ng multi-awarded songwriter na si Trina Belamide.

Nakipagsanib-pwersa ngayon si Trina sa Star Music para sa kaabang-abang na reimagination ng kanta na unang inawit ni Ima Castro at binigyang-buhay din ni Regine Velasquez-Alcasid.

Nakipag-partner naman ang OPM hitmaker at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo sa Filipino-American musical director na si Troy Laureta para bigyan ang Shine ng gospel waltz vibe habang pinapanatili ang kabuuang tunog nito.

Ilulunsad ang version ni Morissette pagkatapos niyang i-perform ang kanta nang ilang taon sa iba’t ibang okasyon sa bansa at abroad.

May higit 7.9 million views na ang kanyang YouTube performance video ng kanta sa Wish Bus at naghatid din ito ng reaction videos mula sa voice coaches na galing sa iba-ibang bansa na talagang napabilib sa kanyang rendisyon.

Ang Shine ay isang Metropop entry na unang nirekord ni Ima at pinerform nang live ni Sweet Plantado sa 1996 Metropop Song Festival sa Araneta Coliseum kung saan hinirang itong second place.

Inawit naman ng Asia’s Songbird ang kanta nu’ng 2004 para sa isang product commercial at naging bahagi na ng kanyang repertoire sa maraming shows mula noon.

Maririnig na ang official version ni Morisette ng Shine sa iba’t ibang music streaming services simula ngayong Biyernes. May TV launch sa ASAP Natin ’To ang music video nito sa May 30.

AUTHOR PROFILE