Winwyn Larawan: Winwyn Marquez/IG

WINWYN body

January 4, 2025 People's Tonight 71 views

BAGO pa man pumasok nang buo ang 2025, beauty queen na si Winwyn Marquez ang bumungad sa social media gamit ang kanyang nakakapang-init na larawan. Suot ang isang sleek swimsuit na bumagay sa kanyang toned body at flawless skin, ipinakita ni Winwyn na siya pa rin ang reyna pagdating sa kaseksihan at karisma.

Sa kanyang caption na “New year, new photos. Hello, 2025”, tila sinasabi niyang handa na siyang humarap sa mas malaking laban ngayong taon. Ayon sa mga bali-balita, siya ay inaasahang sumali sa Miss Universe Philippines 2025, at ang larawang ito’y tila paunang pasilip sa kanyang pagdedeklara ng laban.

Nag-umapaw ang mga reaksyon mula sa fans at netizens. Mula sa kapwa beauty queens, celebrities, at fans ay nag-uumapaw ang suportang natanggap ni Winwyn.

Siya ang kauna-unahan at nag-iisang delegante ng Pilipinas na nakapag-uwi ng korona ng Reina Hispanoamericana sa taong 2017.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar