
Winter to summer
NAGLIYAB ang social media matapos ibandera ng aktres na si Arianne Bautista ang kanyang nakakapasong kaseksihan sa isang breathtaking na bikini shot.
“Suot ang dilaw na bikini, nagmistulang reyna ng init si Arianne habang ninanamnam ang seascape ng Palawan. Mula sa lamig ng winter, isang matinding summer ang dala niya sa kanyang latest post.
Hindi nagpaawat ang mga fans sa pagbuhos ng kanilang reaksyon. “Summer na agad,” ang sabi ng isang netizen, habang ang iba naman ay nag-iintriga kung lilipat na nga ba siya sa mas mapangahas na mundo ng Vivamax. “If this is true, that would be really great!” hirit ng isang solid fan mula pa sa Ika-6 na Utos days.
Bagamat walang kumpirmasyon, isang bagay ang sigurado — walang fan na hindi pinagpawisan sa kanyang nag-aapoy na larawan.