Window hours’ hiniling na suspendihin hanggang matapos ang halalan sa Mayo 9

April 28, 2022 Jun I. Legaspi 155 views

WINDOW hours sa provincial buses, dapat pag-aralang mabuti, posible huwag munang ipatupad hanggang matapos ang halalan sa Mayo 9, 2022, mungkahi ng commuter at transport groups.

Ito ang paliwanag ni Atty. Ariel Inton dating Board Member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Chairman ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Ayon kay Inton ang malalim na kaisipan dito kung hindi pag-iisipan mabuti at hindi muna ipagpaliban ay posibleng maraming hindi makakaboto sa lokal at nasyonal na halalan sa Mayo 9 dahil sa kawalan ng sapat na bus na masasakyan pauwi ng kabilang mga probinsiya.

Dagdag pa niya, nagkakalituhan at pahirapan kasi ang pagsakay sa mga “connecting city buses” ng mga pasahero.

Mismong LTFRB ang umamin na gagawa sila ng “pansamantalang” hakbang upang mabigyan lunas ang hinaing ng mga pasahero.

Mungkahi pa ng LCSP na pag-aralan maigi ang “window hours” policy at maaaring ipatupad muli matapos ang eleksyon.

Paliwanag pa ni Inton, nakita nito ang kakulangan sa mga provincial bus terminal sa Cubao bus terminal at hindi kaya ang dagsa ang mga pasaherong pauwi para bumoto sa kani-kanilang lalawigan.

Ayon kay Inton personal niyang nasaksihan at napatunayan ito noong 2016 elections.

Magiging pahirapan ang pagbook at marami sa mga pasahero ay hindi na makaboboto kung hindi makakauwi.

Nag-issue ng mga special permits noon ang board para madagdagan ang masasakyan ng mga pasahero upang sila ay makaboto.

“Triple ang dami ng pasahero kaysa sa mga holiday rush. Ito po ang agam-agam ng inyong lingkod kung papatupad ang window hours bago mag-eleksyon. Baka marami ang hindi makakauwi para bumoto. Mas kailangan ang masasakyan buses para hindi ma-disenfranchise ang libo-libong pasahero na uuwi para bumoto. Ilan araw na lang naman yan at mabibigyan ang MMDA at LTFRB ng mas mahabang panahon mapagaralan mabuti ang ‘window hours’ sa mga provincial buses,” sabi ni Inton.

AUTHOR PROFILE