Inton

Win-win solution sa diesel price hike hiniling ng LCSP

October 15, 2021 Jun I. Legaspi 413 views

DAPAT kumilos agad ang gobyerno, para masalba ang sector ng public transportation, sa patuloy na pagtaas ng presyo petroleum products lalo na ang diesel.

Ito ang mariing babala ni Atty. Ariel Inton, founder na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), sa balitang tataas ng naman ng mahigit P1 per liter ang presyo ng diesel sa susunod na mga araw.

“Dapat talagang kumilos na ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa kapakanan ng lahat,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton, pagtaas uli ng diesel tiyak ipapasa ng transport group ang increase. “Hindi pwedeng laging sa commuter ang pasa ng mga increases,” aniya.

Nauna na rito pormal ng humingi ng P3 dagdag na pamasahe sa regular fare ang mga transport group sa Metro Manila, Region 3 at 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.

Giit naman ng LCSP dapat ay P1 lang dahil sa panahon ngayon na pandemic talagang hindi kaya ng mga commuter.

Hinimok ng LCSP ang gobyerno na gumawa agad ng win-win solution upang solusyunan ang patuloy na pagtaas ng diesel na siyang pangunahing gamit ng public transportation lalo na ng mga jeepneys.

Sa hiwalay na interview, pumalag ang grupo ni Obet Martin, national president ng Pasang-Masda, sa pahayag ni DOTr Sec. Arthur Tugade na walang fare increase hanggang may pandemic.

“Ano ang gagawin ng transport eh, wala namang ibinibigay na suporta ang DOTr at LTFRB sa amin, eh kapag ganyan talagang mamatay na ang public transportation sa bansa puro increase walang suporta,” ani Martin.

Sa ngayon naglalaro na sa P51 hanggang P53 per liter ang pump price ng diesel sa mga gasolinahan sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Umaasa si Inton at ang (LCSP) tutugunan agad ng DOTr at LTFRB ang concern na ito upang matulungan ang mga driver at operator, saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE