Hipon

Willie proud kay Hipon Girl

August 2, 2022 Aster Amoyo 449 views

TV game show host-producer and businessman Willie Revillame must be proud sa ipinakitang gilas ng isa sa dati niyang co-host sa kanyang former game show program sa GMA, ang “Wowowin” na si Herlene Nicole Budol na mas nakilala as “Hipon Girl”.

Ang TV and showbiz career ni Herlene ay nagsimula sa “Wowowin” matapos siyang sumali sa “Willie of Fortune” segment ng programa na siyang naging daan para gawin siyang isa sa mga co-host ng TV host-producer na si Willie. After her stint with “Wowowin,” siya’y binigyan naman ng break sa acting ng GMA sa pamamagitan ng “Magpakailanman” kung saan din na-feature ang kanyang life story na pinamagatang “A Girl Named Hipon (The Herlene Budol Story)”.

Naging bahagi rin si Herlene sa dalawa pang magkaibang serye ng GMA, ang “Madrasta” at “One of the Baes”. Twice na rin siyang lumabas sa drama anthology ng Kapuso Network, ang “Magpakailanman” bukod pa sa kanyang guesting sa “Stories from the Heart: Never Say Goodbye” at sa “False Positive” making her a Kapuso actress and comedian.

Hindi man inabutan ng kanyang Lola Bireng ang kanyang pagkakapanalo bilang first runner-up ng Bb. Pilipinas plus seven special awards, naniniwala siya na patuloy siyang ginagabayan ng kanyang namayapang lola na siyang nagpalaki sa kanya magmula nang magkahiwalay ang kanyang parents.

Ang kanyang Lola Bireng ay sumakabilang-buhay nung nakaraang June 6, 2022.

Prior to her joining Bb. Pilipinas, si Herlene ay tinanghal na Binibining Angono ng Sining in 2017. Namasukan din siyang crew member ng isang coffee shop at naging umbrella girl sa mga naglalaro ng golf.

Hindi man siya lumaki sa kalinga ng kanyang parents, binusog naman siya ng pagmamahal ng kanyang lolo’t lola kaya labis niyang dinamdam ang maagang pagkawala ng kanyang Lola Bireng.

Ayon kay Herlene, hinding-hindi umano niya makakalimutan ang kanyang transformation at achievements na nakuha sa kanyang pagsali sa Bb. Pilipinas kung saan niya na-realize na libre ang mangarap at ang pangarap ay puwedeng magkatotoo kung ito’y sasamahan mo ng dasal, tiyaga at paniniwala sa sarili.

Ang panalo o mga panalo ni Herlene sa 2022 Bb. Pilipinas ay maituturing niyang advance birthday gift sa kanya as she will be celebrating her 23 rd birthday sa darating na August 23.

Wala pang sinasabi si Herlene kung muli siyang sasali sa susunod na Bb. Pilipinas o sa iba pang national beauty pageants.

Sa ngayon ay masayang-masaya siya sa kanyang naging experience at inabot sa Bb. Pilipinas.

Si Herlene ay isa ring successful vlogger.

Samantala, bukod sa kanyang panalo sa Bb. Pilipinas, si Herlene ay kamakailan lang din nagtapos ng kanyang pag-aaral ng Tourism Management sa College of St. Paul II.

Ngayong tapos na ang kanyang journey sa Bb. Pilipinas, gusto munang balikan ni Herlene ang kanyang acting career sa bakuran ng GMA. Meron din siyang tinapos na pelikula na hindi pa naipapalabas.

Tiyak ding magiging abala siya sa kanyang iba’t ibang product endorsements.

Sa simula pa lamang ng kanyang pagkakapasok sa Bb. Pilipinas ay naging paborito na siya ng marami dahil sa kanyang kakaibang personalidad at pagiging komedyana.

KirayKiray1

Ynna engaged na

IT was last Sunday, July 31 when actress and jewelry designer Ynna Asistio posted on her Instagram that she is now engaged sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell habang sila’y nagbabakasyon with their respective families in Bohol.

“Ilan taon ako nagbenta ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sarili ko kelan kaya ako?..eto na yun. In HIS TIME. In HIS PERFECT TIME. Salamat Mahal Ko! Salamat sa pagmamahal. Salamat at tinupad mo ang pangarap ko. I love you so much Dub!#wefYNNAllymadeitBULLY07.31.22

Thank you to my family!” mensahe ni Ynna sa kanyang Instagram account.

Si Ynna ay isa sa walong anak ng actress, entrepreneur and vlogger na si Nadia Montenegro sa namayapang dating mayor ng Caloocan na si Macario `Boy’ Asistio. She will be the next to get married in the family. Nauna nang nag-asawa ang eldest sister ni Ynna na si Alyssa Asistio kay Mac London. The couple got married in February 2021. Their other younger siblings include Alyana, Anykka, Xander, Samantha, Ayisha and Sofia.

Sa walong magkakapatid tanging sina Samantha, Ayisha at Sofia na lamang ang nag-aaral habang ang lima sa kanila ay pawang tapos na sa kanilang pag-aaral.

Ang panganay na si Alyssa ay nagtapos ng dentistry, mass communication naman ang tinapos ni Ynna, culinary arts si Alyana at political science naman ang tinapos nina Anykka at Xander.

Si Samantha ay hindi biological daughter ni Nadia pero ito’y kanyang pinalaki at inaruga parang tunay na anak.

Si Samantha ay apo ng kanyang yumaong partner na si Boy Asistio sa dating singer-actress na si Gigi Garcia na naka-base na ngayon sa Amerika.

Sa walong anak, pito lamang dito ang biological children ni Nadia sa yumao nitong longtime partner.

Derrick may kakaibang birthday gift

ANG bagong simulang serye ng Kapuso Network na “Return to Paradise” na tinatampukan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva in her first lead role ay original concept ng GMA Films president and Consultant to the Chairman-CEO na si Atty. Annette Gozon-Valdes at ni Glaiza Ramirez na pinamamahalaan ni Don Michael Perez. Tampok din sa nasabing serye si Eula Valdez (in her much-awaited comeback with the Kapuso network) kasama sina Liezel Lopez, Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Karel Marquez, Kiray Celis, Paolo Paraiso, Mia Pangyarihan at ang award-winning actor na si Allen Dizon.

Ang “Return to Paradise” ay kakaibang birthday gift sa singer-actor na si Derrick who turned 27 sa pagsisimula ng serye last August 1.

Si Derrick na isang certified Kapuso actor na huling napanood sa TV series na “Legal Wives” ay anak ng (dating) actress na si Tina Monasterio.

Boiz Will Be Boiz bagong mamahalin ng fans

TIYAK na may bago na namang P-Pop group na titilian at kagigiliwan ng mga kabataang fans, ang Boiz will be Boiz na binubuo ng limang cute and talented young guys na sina Ethan David (19) ang magkapatid na BJ Sy (17) at Gas Sy (12),

Jonric Reyna (20) at ang eldest in the group na si Rey Cariaso (22).The new boy group was formally launched by Viva Records recently along with their debut single, ang catchy song na “I Wanna Know” kasunod ang launching ng music video nito.

Except for Ethan who is Filipino-Canadian, the rest of the boys are not only singers but good dancers as well dahil sila’y trained ng G-Force ni Teacher Georcelle Dapat-Sy na siyang nagbuo ng grupo.

Boiz will be Boiz group members admit na lahat sila’y na-influence ng K-Pop groups and their brand of music and dance moves.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE