Willie

Willie papalitan ba ang TVJ sa ‘Eat Bulaga’?

April 29, 2023 Aster Amoyo 484 views

VicSTATUS quo ang lagay ng longest-running noontime program na “Eat Bulaga” habang inaaayos ng TAPE, Inc. ang gusot sa kanilang pagitan at sa tinaguriang pioneers at poste ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Gayundin ang iba pang internal problems sa production dahil wala pang nakikitang mga pagbabago sa programa.

Nakapag-celebrate pa si Bossing (Vic Sotto) ng kanyang 69th birthday kahapon, Sabado sa show.

Pero habang hindi pa nai-implement ang inaasahang mga pagbabago sa programa, maraming posibilidad ang puwedeng mangyari.

During the early part of the controversy ng TAPE, Inc. at ng “Eat Bulaga,” lumutang ang pangalan ng game show host-producer na si Willie Revillame lalupa’t nagpaalam na itosa ALLTV na pag-aari ng kanyang kaibigang business tycoon at dating politician na si Manny Villar.

Walang existing TV program ngayon si Willie at balitang naghahanap ito ngayon ng TV network na tatanggap sa kanyang “Wowowin” show na nakilala nang husto sa GMA. Pero hindi na nag-renew si Willie ng kontrata with GMA to move to the Villar’s own TV network, ang Advanced Media Broadcasting Systems na may-ari ngayon ng dating prime frequency ng ABS-CBN.

Kung saka-sakaling mawawala ang TVJ sa “Eat Bulaga,” may posibilidad na ipasok si Willie sa programa. Pero hindi ito papayag kung hindi siya co-producer ng show.

Ang tanong, mare-retain ba ang titulong “Eat Bulaga!” since pag-aari ni Joey de Leon ang title? At kung sakaling pumasok si Willie, tiyak na gagamitin nito ang kanyang “Wowowin” na meron nang goodwill. Ang isa pang tanong, papayag ba ang GMA na muling bumalik sa network si Wilie matapos nitong lumipat sa ALLTV?

Of course, these are only speculations na masasagot lamang sa tamang panahon.

Pagkatapos ng AlDub, sina Barbie at David naman ang hot loveteam sa GMA

BarbieBarbie1NGAYON lamang muli nagkaroon ng isang successful team-up sa bakuran ng Kapuso Network sa pamamagitan ng tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco. Bagama’t nakilala noon ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, nakilala sila sa “Eat Bulaga” na isang blocktimer.

Ang team-up nina Barbie at David ay nag-umpisa sa historical hit series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan nabuo ang FiLay loveteam having portrayed their respective roles Fidel and Clay. They were also paired in “Heartful Café,” “Mano Po Legacy” and “Daig Kayo ng Lola Ko”.

At ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasama sila sa isang movie, ang “That Kind Of Love” na sila ang mga pangunahing bituin. At ang maraming eksena ay sa ibang bansa pa kukunan.

While David is single right now, si Barbie naman ay alam ng lahat na strong ang relasyon kay Jak Roberto na isa ring Kapuso actor.

At alam ni Jak na trabaho lamang ang ginagawa nina Barbie at David. Pero kung ang mga fans ng dalawa ang tatanungin, mas gusto nila siyempre na ang kanilang mga idolo ang magkatuluyan sa totoong buhay.

Gayunman, alam ni David kung nasaan siya sa puso ni Barbie.

Ricky survivor, biktima ng body shaming

RickyAYON sa dating “That’s Entertainment” member-turned actor-director na si Ricky Rivero, ini-enjoy niya ngayon ang kanyang second life matapos maka-survive sa 17 saksak ng isa niyang inakalang kaibigan that unfateful night, June 13, 2011.

He struggled at nakatakbo pa siya ng banyo at saka lumabas to drive himself patungong Philippine Heart Center sa kabila ng pagkawala ng maraming dugo sa kanya. While driving, he was praying na hindi siya mag-pass out at umabot siya sa hospital.

Ayon pa sa kanya, habang siya’y pinagsasaksak ay wala umano siyang naramdamang sakit. Pero naramdaman niya ito nung siya’y nasa emergency room na.

Nahuli at nakulong ang nanaksak sa kanya.

Si Ricky ay nagmula sa kilalang showbiz clan ng mga Salvador. Anak siya ng yumaong si Tess Salvador, isa sa 102 children ng kanyang yumaong grandfather na si Luis `Lou’ Salvador, Sr. na ang ama ay isang Spanish habang mestiza naman ang kanyang ina.

Kapatid ng kanyang ina ang mga yumao na ring sina Leroy Salvador, Jr., Mina Aragon, Alona Alegre, Ross Rival (ama ni Maja Salvador), Jumbo Salvador at iba pa. Kapatid din nila sina Ramon Salvador at Phillip Salvador, among others.

Pinsan ni Ricky sina Jobelle Salvador, Deborah Sun, Maja Salvador habang pamangkin naman nila sa pinsan si Janella Salvador na ang great grandfather ay kapatid ni Lou Salvador, Sr.

Hindi natapos ni Ricky ang high school pero nag-level up siya sa mga production work sa Viva Films at sa ABS-CBN hanggang siya’y maging director. He was with ABS-CBN sa loob ng 15 taon.

Paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin siya ng acting jobs pero mas passionate siya ngayon bilang director hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa mga event.

Sa rami nila sa Salvador clan, hindi na umano sila halos magkakakilala pero paminsan-minsan ay nagkakaroon sila ng family reunion para magpakakilala sa isa’t isa.

Since mataba si Ricky, nagiging biktima umano siya ng body shaming ng mga taong hindi naman niya kilala.

ABS-CBN sa TV5 naman makikipag-collaborate

MAGMULA nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020, nag-focus ang Kapamilya network sa kanilang iba’t ibang digital platforms at pakikipag-alyansa sa iba’t ibang TV network tulad ng GMA, TV5 maging ang A2Z (Channel 11) for free TV airing.

Kung ang ABS-CBN at GMA ay nag-collaborate for the first time sa pamamagitan ng seryeng “Unbreak My Heart” na tinampukan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia and produced ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal at ipalalabas sa Kapamilya network within the year and will be streamed in 15 territories outside the Philippines ng Viu, nag-collab din sa unang pagkakataon ang ABS-CBN at TV5 sa pamamagitan ng seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” na pamamahalaan ng “Wildflower” director na si Raymond Ocampo. Tampok sa nasabing serye sina Ronnie Alonte, KD Estrada, Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Loisa Andalio.

Ang Dreamscape Entertainment din ni Deo ang magpu-produce for the two networks ng “Pira-Pirasong Paraiso”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Amoyo Amoyo” on my YouTube channel.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE