Willie

Willie, magsasalita sa expiration ng kontrata sa GMA

February 6, 2022 Vinia Vivar 299 views

Magtatapos na ang kontrata ni Willie Revillame sa GMA-7 sa Feb. 15 at hanggang February 11 na lang mapapanood dito ang Wowowin.

Ito ang inanunsyo ng network last Saturday sa 24 Oras kasabay ng pagre-release ng official statement.

Ayon sa pahayag ng Kapuso network, nakatakdang magtapos ang kontrata ni Willie sa GMA ngayong Feb. 15.

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.

“We wish him good luck in his future endeavors,” ang nakasaad sa statement ng GMA Network.

Agad namang nagpaabot ng pagkalungkot ang mga netizen at tagahanga ni Willie.

Ang iba ay nag-speculate na baka nga totoo ang tsika na lilipat ang TV host sa bagong bubuksan na network ni Manny Villar.

As we all know, kaibigan niyang matalik at business partner si Villar.

“How sad, the show is doing good pa naman. The rumors are true that he will be seen as the flagbearer of Villar owned network,” komento ng isang netizen.

Ngayong Lunes ay nakatakda raw magbigay ng statement si Willie sa kanyang show.

AUTHOR PROFILE