Trixie Larawan: Trixie Lalaine/IG

What a view

March 9, 2025 People's Tonight 162 views

LALONG nagliyab ang disyerto matapos magpasabog ng kaseksihan ang sexy star na si Trixie Lalaine sa kanyang latest beach photo sa Dubai Marina.

Suot ang isang hapit na black one-piece swimsuit, bumandera ang kanyang nakakapasong hubog habang nagpapakasaya sa dagat. Tila Dyosa ng Araw at Alon ang datingan ni Trixie sa kanyang walang effort na kagandahan at kaseksihan!

Walang caption ang post bukod sa isang ferris wheel emoji, pero sapat na ang kanyang larawan para paikutin ang ulo ng mga netizens!

Isa pang rason kung bakit tumaas ang init sa Dubai! Nagkagulo ang fans sa comment section! Isang follower ang napa-“What a beautiful view, and I’m not talking about the view behind you!” habang may isa namang diretso sa punto: “Sexy body!”

AUTHOR PROFILE