Default Thumbnail

WFC, iba pa isinulong paggamit ng safe energy

April 22, 2021 People's Tonight 294 views

HINIHIMOK ng mahigit isang daang organisasyon at mga indibidwal mula sa civil society, makakalikasang mga grupo, Simbahan, lokal na mga pamahalaan, at iba pa sa pangunguna ng Withdraw from Coal (WFC) ang mga financial institutuon na tigilan na ang pagpopondo ng enerhiya mula sa ‘coal’ o karbon sa bansa.

“Umaapaw ang Pilipinas ng iba’t-ibang maaring pagmulan ng malinis at murang renewable energy na maari nang gamitin. Sa pagtigil ng inyong pamumuhunan sa mga proyektong may kinalaman sa coal at paglipat sa mas malinis na enerhiya, naniniwala kami na may posibilidad pang magkaroon ng sustenableng kinabukasan ang lahat ng ating mga kababayan, at makakatulong kayo na makumbinsi ang iba pang mga bangko na sumunod na rin,” batay sa inilabas na statement ng WFC.

Ani ng grupo,umaasa silang uunahin ng mga financial instittuion ang kapakanan ng publiko at tiwala silang ang mga pondo ng mga institusyon ay nasa mabuting kamay at gagamitin para sa kabutihan at kapakanan ng sambayanan.

Binigyang diin ng WFC na ang coal ang pinakamaruming ‘fossil fuel.

Ito rin umano ang may pinakamalaking ambag na ‘carbon emissions’ na mitsa ng pagtaas ng temperatura sa buong mundo, at sa katunayan ang tumitinding epekto ng pagbabago sa klima ay naramdaman na at naranasan na sa mga nagdaang taon.

“Ngayon ay mas alam na namin na sa pamamagitan ng pagpopondo ng coal, inilalagay niyo ang salapi ng inyong mga imbestor sa alangan. Sa buong mundo, daan-daan nang mga financial institution ang nagdedeklara ng kanilang pagtigil sa pamumuhunan sa mga proyektong may kinalaman sa coal.”

AUTHOR PROFILE