Wetlands mahalaga sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran
MULING isinulong ni Sen. Cynthia Villar ang papel ng wetlands sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran sa 10th Asian Wetlands Symposium noong Nobyembre 25 sa Villar Hall sa Las Piñas City.
Ang nasabing okasyon, na dinaluhan ng mga delegado mula sa Society for the Conservation of the Philippine Wetlands (SCPW), Ramsar Regional Center–East Asia (RRC-EA) at Ramsar Center Japan (RCJ), nakatuon sa temang “Wetland-based Solutions.”
Sinabi ni Sen. Villar ang kritikal na kahalagahan ng mga wetlands bilang parte ng pinaka-produktibong ecosystem ng mundo.
Sinabi niya ang kontribusyon ng mga wetland sa pangangalaga ng biodiversity, sa climate mitigation and adaptation, water regulation at disaster risk reduction
Ibinida din ni Villar ang kanyang adbokasiya sa pagsulong ng batas na naglalayong mapangalagaan ang mga wetland sa Pilipinas.
Isa sa mga batas na isinusulong niya ang Senate Bill No.124 o ang National Wetlands Conservation Bill na naglalayong pagtibayin ang proteksyon ng wetland.
Layunin din ng panukalang batas na palakasin ang mga patakaran, itaas ang kamalayan ng publiko at tiyakin ang pagpapanatili ng mga sustainability ng mga wetlands, na tinukoy niya bilang “cradle of biodiversity.”
“We aim to protect not just the eight Ramsar-designated wetlands in the Philippines but also the 314 inland wetlands and 2,487 river systems identified in the 2016 Atlas of Philippine Inland Wetlands and Classified Caves,” paliwanag ng senador.
Muling binanggit ni Villar ang kanyang pagkadismaya at pagkabahala sa mga proyektong nagbabanta at sisira sa sa mga wetland sa bansa.
Isa rito ang P103.8-bilyong proyektong reklamasyon na tinatayang makapipinsala sa Las Piñas Parañaque Wetland Park.
Nagbabala ang senadora na ang reklamasyon ang sisira sa likas na daloy ng tubig sa anim na ilog—ang Parañaque, Las Piñas, Zapote, Molino, Bacoor, at Imus River—na ayon sa pag-aaral magreresulta sa mapaminsalang baha.
Kapag sinabayan pa ito ng problema sa pababago ng klima, ang tubig baha sa mga kalapit na lugar maaaring umabot sa taas na anim hanggang walong metro at tinatayang makakaapekto sa mahigit dalawang milyong tao sa Las Piñas, Parañaque at Bacoor.
Upang matugunan ang mga bantang ito, inihain ng Senadora Villar ang Senate Bill No.1536 na naglalayong palawakin ang Las Piñas Parañaque Wetland Park sa pamamagitan ng hanggang tatlong kilometrong papuntang karagayan.
Sa huli, muling pinaalalahanan ni Sen. Villar ang mga delegado sa kanilang responsibilidad na protektahan at ibalik ang sigla sa kani-kanilang mga wetlands.
“As a wise environmentalist once said, ‘When we heal the Earth, we heal ourselves,'”pagtatapos ng senador.