Wendel

Wendell ayaw lustayin ang ipon sa pagpasok sa pulitika

December 13, 2024 Jun Nardo 146 views

SAGDRADONG araw para kay Wendell Ramos ang Linggo.

Nalaman namin ito nang mag-guest si Wendell sa Marites University.

“Member din ako ng choir. At siyempre, kasama na ‘yung samba ‘pag Sunday. Kaya umiiwas ako na magkaroon ng trabaho ’pag Sunday.

“One time, may director na gusto akong magtrabaho one Sunday. Sandali lang daw ako.

“Pero pumunta muna ako sa church. Kumanta sa choir at saka dumiretso sa shoot. Past 10 a.m. na ako dumating sa set.

“Nakatingin sa akin ang director at sabi ko, nagsimba ako at kumanta sa choir. Kasi naman, originally, hapon ang call time ko, eh, binago nila kaya 10 a.m. na ako dumating,” kuwento ni Wendell.

Family man na si Wendell. Gone are the days na talagang walwal siya kasama ang mga kaibigan ‘pag walang work.

“Hindi na ngayon. Kasama na rin siguro sa pagtanda ‘yun. Basta ang importante, hindi ko pinababayaan ang trabaho ko na siya ring advice ko sa anak kong nasa showbiz na si Tanya at si Saviour,” chika pa ng aktor.

Ang pamilya rin ang nasa isip niya kung bakit hindi pa siya fully decided na pasukin ang pulitika sa Maynila bilang konsehal.

Eh, may tinutulungan na rin si Wendell na special seniors na ipinaoopera ang mga mata ’pag may problema. May balak pa siyang projects para sa mga ibang may sakit.

“Kung tatakbo kasi ako, baka independent. Eh, ayoko namang gastusin ang naipon kong pera para sa anak ko dahil sa gusto ko.

“‘Pag pumasok ako sa politics, may mga kaibigan naman tayong senador na handang tumulong sa akin,” deklara pa ni Wendell.

Sa ngayon, career muna ang nasa utak ni Wendell dahil bukod sa GMA series na “Shining Inheritance,” mapapanood din si Wendell sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng GMA Pictures na “Green Bones” with Dennis Trillo and Ruru Madrid.

Abangan sa Marites University ang buong interview namin kay Wendell.

AUTHOR PROFILE