Welder huli sa boga, shabu
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Laglag sa kamay ng mga pulis kamakailan ang welder dahil sa pag-iingat ng baril at shabu sa Brgy. Payapa Ilaya, Lemery, Batangas.
Nasakote ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Lemery police si alyas Tagni, 39, sa pangunguna ni P/Maj. Dante Majadas, sa ginawang anti-illegal drug buy-bust.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet na may lamang 1.50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200, pera, cal .45 pistol at pitong bala.
Dadalhin sa Batangas Provincial Forensic Unit sa Camp General Miguel C Malvar sa Batangas City ang suspek at ang mga nakumpiskang droga at baril para sa drug test at laboratory examination.