Aradave

Wedding gown ni Ara, pinag-ambagan ng mga kapatid

June 23, 2021 Ian F. Fariñas 663 views

Ngayong buwan nakatakda ang pagpapakasal nina Ara Mina at Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez sa Baguio City.

Ayon sa balita, dapat ay noong Abril pa ang kasal naurong lang dahil sa pagsipa muli ng kaso ng COVID-19 at sa pagpapairal muli ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Hindi madali ang pinagdaanan nina Ara at Dave sa paghahanda para sa kasal dahil kailangan nilang sumunod sa health protocols.

Isa pa, 30 percent lamang ng capacity ng venue ang papayagang makadalo sa seremonya.

Kabilang dito ang mga bigating ninang na sina Sharon Cuneta at Lipa Congresswoman Vilma Santos.

Ayon kay Ara, kahit siya ang panganay sa magkakapatid, siya ang huling ikakasal sa kanila.

Kaya naman nag-ambagan ang mga kapatid niya para sa bridal gown niya na gawa ng isang pamosong local designer.

Matatandaan na na-engage sina Ara at Dave noong January 12 sa hometown ni Dave sa San Pedro, Laguna.

AUTHOR PROFILE