Kris

Weakness never an option — Kris

January 13, 2022 Vinia Vivar 252 views

Humahanga kami talaga kay Kris Aquino na kahit may sakit na ay naiisip pa ring tumulong sa ating mga kababayan.

Sa latest Instagram post ni Kris ay nagbigay siya ng update sa kanyang kalusugan na aniya ay hindi pa talaga okay, gayundin ang kanyang puso since as we all know ay kagagaling lang niya sa breakup.

But still ay nakapag-donate pa rin siya ng 800 pieces of COVID-19 antigen test kits sa Bureau of Immigration at nag-pledge ng 1000 cheese pandesal for 10 consecutive Wednesdays sa Philippine General Hospital personnel.

“Inaamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” pahayag ni Kris.

“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko,” saad pa niya.

Nagpasalamat din siya sa mga kaibigang nagmamahal na panay ang padala sa kanya ng flowers, balloons, food, rosaries, prayer books at marami pang iba.

“At least now i know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung sya pinangalanan ko na lang.),” she wrote.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga taong nais na naman siyang batikusin dahil sa kanyang pagtulong.

“Kung babatikusin, honestly CARE ko. PATULOY akong tutulong at patuloy kong i-po-post. Kasi nga naman: KAILAN BA NAGING MASAMA ANG GUMAWA NG KABUTIHAN? With everything happening in my life, kinakaya ko pa ring isipin na maraming mas mahirap ang pinagdaraanan,” ani Kris.

AUTHOR PROFILE