Default Thumbnail

Water tanker nawalan ng preno; 2 dedo, 16 sugatan sa Iloilo

June 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 200 views

DALAWA ang patay habang 16 na iba pa ang nasugatan matapos na araruhin ng isang water tanker na nawalan diumano ng preno sa La Paz, Iloilo City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Oliver dela Cruz, 18 at isang 16-anyos na babae.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatan.

Batay sa inisyal na ulat ng La Paz Police Station, nawalan umano ng preno ang water tanker dahilan para maararo nito ang isang bakeshop, botika, tindahan ng litsong manok, at mga nakaparadang tricycle at motorsiklo sa lugar.

Sinabi rin sa ulat na habang hinihila ng mga awtoridad ang sasakyan para maialis sa lugar ay bigla itong umandar at nasagasaan naman ang mga biktima.

Dinala naman sa Lapaz Police Station ang 61-anyos na driver ng water tanker.

Dinala din sa kustodiya ng pulisya ang rescuer na nagmaneho ng truck habang hinihila ito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.