Default Thumbnail

Wanted sa VAWC tiklo sa Maynila

March 4, 2022 Jonjon Reyes 299 views

HALOS 3 araw pa lamang namamalagi ang isang 29-anyos na kontratista sa Maynila ngunit dahil sa kasong RA 9262 Violence against Women and their Children Act of 2004 (VAWC), natunton agad ito sa tinuluyang condominuim sa Taft Avenue, Malate, madaling araw ng Biyernes nitong Marso 4, 2022.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Rey Mark Magcayan Broñola ng Victoria De Manila sa Taft Avenue, Malate.

Base sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, bandang ala-1:00 ng madaling araw, nang isilbi ang arrest warrant kay Broñola sa harapan ng tinutuluyan nitong condominuim.

Kasama ang deputy chief ng DSOU na si P/Maj. Dave Garcia at ilan nitong tauhan at bukod pa kay P/Maj. Emmark Dave Apostol ng MDIT-RIU ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel Evero Escatron, Regional Trial Court Branch 1 ng 10th Judicial Region, Butuan City, Agusan Del Norte na may petsang March 1, 2022 dahil sa kasong Section 5(1) at Section 6 ng RA 9262 na may piyansang P72,000.

Bungan ito ng tagubilin ni P/BGen. Francisco na magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa mga wanted sa batas na nanglulungga sa lungsod at ang pagtugis sa mga ito. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE