Wanted sa murder tiklo sa MPD Station 9
ISANG 21-anyos na most wanted sa pagpatay sa Oriental Mindoro na si Brian James De Luna, binata, construction worker at pansamantalang nanunuluyan sa Planella Apartment sa Bgy. Pinagbuhatan, Nagpayong ll, Pasig City ang inaresto matapos maispatan sa Makati City ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 9, kamakailan at walang piyansang inilaan batay sa warrant of arrest na inihain kay De Luna. Ni Jon-jon Reyes