posas

Wanted sa 2 counts ng murder natiklo sa Cebu

April 22, 2024 Alfred P. Dalizon 71 views

ISANG 21-anyos na lalaking wanted sa 2 counts ng murder ang nalambat ng mga pulis sa manhunt sa Cebu City noong nakaraang Biyernes.

Kinilala ni Cebu City Police Office director Colonel Ireneo Dalogdog ang natiklo na si alyas Arnold.

Nahuli ang suspek sa Sitio Tumoy Riverside sa Brgy. Pahina Central bandang alas-8:00 ng umaga matapos ang ilang araw na surveillance, ayon sa mga pulis.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa 2 counts ng murder at frustrated murder.

Walang piyansa na inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

AUTHOR PROFILE