Wanted na holdaper timbog sa Pandacan

February 19, 2022 Jonjon Reyes 127 views

NAHULOG sa kamay ng mga operatiba ng Manila Police District-Theft and Robbery Section (MPD-TRS) ang isang 28-anyos na tinguriang “salot” ng mga driver ng truck, makaraang arestuhin ito sa bisa ng arrest warrant, nitong Biyernes ng hapon sa Pandacan, Manila.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Reyes alyas “Jepoy”, binate, at residente ng Pandacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Tita Alisuag ng Regional Trial Court, Branch 1 ng Manila, pinangunahan ni P/Lt Ramel Lucero, hepe ng MPD-TRS kasama sina P/SSg. Ericson Aguilar, P/SSg. Jayson Emata, P/Cpl. Serafin Galpo at P/Cpl. Tadius Escano para ihain ang arrest warrant ng suspek, pasado ala-1 ng hapon sa tirahan ng suspek.

Hindi naman nagawang makapalag ni Reyes matapos posasan at matanggap ang warrant.

Ang suspek ay nasa listahan ng most wanted sa area ng Pandacan dahil ang binibiktima nito ay pawang mga driver ng 10-wheeler truck na dumaraan sa nasabing lugar. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE