Wanted na holdaper tiklo sa Tondo

May 18, 2022 Jonjon Reyes 89 views

BINITBIT sa bisa ng arrest warrant sa isang 44-anyos na lalaki dahil sa kasong robbery sa Balut, Tondo Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Rizaldy Alcantara ng Banahaw St., Balut sa Tondo.

Ayon kay P/Ems. Vicente Maborrang ng Station Warrant Section ng Manila Police District (MPD)-Station 14 , bandang 2:00 ng hapon nang maispatan si Alcantara sa kanyang lugar sa Banahaw St. sa Balut.

Hindi naman nakapanlaban pa ang suspek nang ipakita ang warrant of arrrest na inisyu ni Presiding Judge Marivic Balisi- Umali, ng Regional Trial Court Branch 20 ng Maynila, na may petsang Abril 6, 2022.

Si Alcantara ay nasa “most wanted” sa station level at walang inirekomendang piyansa para sa suspek. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE