Default Thumbnail

Wanted ex-Marine timbog

January 10, 2022 Melnie Ragasa-limena 324 views

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang wanted na retiradong miyembro ng Philippine Marines sa isinagawang operasyon sa Brgy. Malitao, Echague, Isabela.

Kinilala ni PLTCOL Jeffrey Bilaro, Station Commander ng Holy Spirit Police Station (PS 14), ang akusado na si Joseph Sabbaluca, 55, residente ng Brgy. Malitao, Echague, Isabela, at itinuturing na No. 1 Station-Level Most Wanted Person ng PS 14.

Ayon sa report, si Sabbaluca ay naaresto dakong alas-3:30 ng madaling araw ng Enero 9, 2022 sa kanyang tahanan.

Nabatid na si Sabbaluca ay mayroong nakabinbing Warrant of Arrest dahil sa paglabag sa P.D. 1866 as amended by R.A. 9516 at R.A. 10591 na nakasampa sa sala ni Judge Alfonso C. Ruiz II, ng Branch 216, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Wala umanong inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Naimpormahan na rin ang court of origin sa pagkakadakip sa naturang wanted person.