Wally nag-iwan ng legacy sa Philippine music

July 24, 2021 Aster Amoyo 75 views

ISA na namang legendary music icon ang namaalam, ang isa sa founding member ng pioneering Pinoy rock band sa Pilipinas, ang Juan de La Cruz Band na si Wally Gonzales who died in his sleep last Friday, June 23 sa edad na 76.

Ang Juan de la Cruz Band ay binubuo dati nina Wally, Mike Hanopol, at si Pepe Smith na sumakabilang-buhay na rin nung January 28, 2019. Tanging si Mike na like ang natitirang buhay sa kanilang tatlo. Si Mike ay nag-positibo sa Covid-19 coronavirus last June and has since recovered.

Ilan sa mga classic hit songs ng Juan de la Cruz band ay ang “Beep Beep,” “Balong Malalim,” “No Touch,” “Titser’s Enemy No. 1,” “Himig Natin,” “Kagatan,” “Divisoria,” “Panahon,” “Langit” at iba pa.

Si Wally ay isa sa mga founding members ng Juan de la Cruz Band in 1968 na dati ay may limang miyembro but it was in 1973 nang pumaimbulog sa kasikatan ang grupo nang silang tatlo nina Mike at Pepe ang natira sa grupo. The band recorded their hit albums under Vicor Music Corporation na itinatag ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad.

After several years with Juan de la Cruz Band, nabuwag ang grupo to lead their solo careers. But Juan de la Cruz was hailed as the first OPM rock back in Philippine music history.

Sa tatlong miyembro ng Juan de la Cruz Band, si Wally ang pinaka-simple ang look at hindi kailanman nagsuot ng flamboyant outfit. Nung 1995, nagbuo si Wally ng sarili niyang banda, ang Wally and Friends na kung saan kabilang sina Dondi Ledesma (bassist), Wowee Posadas (drums and jazz keyboardist), Joonie Centeno (vocals) at si Armand Quiao (2nd guitarist).

Ang isa sa mga kilalang instrumental work ni Wally ay pinamagatang “Wally’s Blues” na kasama sa kanyang second solo album na pinamagatang “On The Road”.

Nung June 11, 2005, nagkaroon ng reunion concert ang Juan de Cruz Band na ginanap sa World Trade Center.

Bukod sa pagiging isang seasoned musician ni Wally, kilala rin siya sa kanyang trademark ng paggamit ng vintage Gibson SG at Gibson Melody Makers guitar.

Willie may mahalagang announcement

GAANO man ka-busy ang game show host-producer and businessman na si Willie Revillame, he makes time para sa kanyang tatlong (panganay) na anak na sina Meryll Soriano, Juamee (Juan Emanuel) at Shanelle (Marimonte Shanell) at dalawang apo (kay Meryll) na sina Elijah at Gibo. Si Elijah ay ang teen-age son ni Meryll sa kanyang ex-husband, ang actor na si Bernard Palanca habang ang 7 months old na si Guido ay anak naman ng actress sa kanyang present boyfriend, ang actor na si Joem Bascon.

Si Meryll ay anak ni Willie sa elder sister ng Diamond Star na si Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano, si Juamee ay anak ng TV host-producer sa kanyang second ex-wife na si Liz Almoro habang si Shanelle ay anak naman niya sa isang non-showbiz ex-girlfriend na naka-base in Baguio City. Hindi nagkaroon ng anak si Willie sa kanyang unang wife na si Princess Punzalan na naka-base na ngayon sa Los Angeles, California, USA kasama ang kanyang present American husband na si Jay Field, dating commercial attache ng US Embassy – Manila and their adopted daughter na si Ellene Diana Punzalan Field.

Samantala, may mahalaga umanong anunsyo si Willie sa susunod na buwan. May kinalaman kaya ito sa kanyang planong pagpasok sa larangan ng pulitika? Pero kung ang mga followers lamang ni Willie ang masusunod, mas gusto nilang ipinagpatuloy na lamang ng TV host-producer ang kanyang ginagawa ngayon kesa pasukin ang pulitika.

Si Willie ay isa sa mga inaawitan na kumandidato sa pagka-senador sa 2022 national elections under the party of Davao Mayor Sara Dueterte.

Herbert di pa tiyak kung anong tatakbuhan sa pulitika

KUNG marami nang politicians and non-politicians ang nagpaparamdam na ngayon sa kanilang intention na tumakbo sa darating na halalan, tahimik pa rin hanggang ngayon ang actor-politician na si Herbert Bautista kung ito ba’y muling tatakbo sa higher position matapos siyang manilbihang vice-mayor at mayor ng Quezon City sa loob ng 18 taon.

May mga nagsasabi na maaaring tumakbo sa pagka-senador o di kaya sa pagka-kongresista ng isang distrito ng Quezon City ang nakatatandang kapatid nina Harlene at Hero Bautista pero ayaw pa rin nitong mag-komento sa kanyang mga plano hanggang ngayon.

Tatlong taon ding nagpahinga sa pulitika si Herbert after his term as mayor ng Quezon City. Siya’y abala ngayon sa kanyang showbiz career na kanyang binalikan matapos siyang bumaba sa puwesto in 2019. His former vice-mayor in Quezon City Joy Belmonte took over his place as the new mayor ng siyudad.

2021 Miss World Philippines na-postpone

HINDI matutuloy ngayong gabi, July 25, Sunday ang grand coronation night ng 2021 Miss World Philippines na nakatakda sanang ganapin sa Okada Manila dahil sa tumataas na mga Covid-19 cases at sa ng Delta variant scare at dahil na rin sa muling pagkakabalik ng Metro Manila at ibang lalawigan sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions. Simula last Friday, July 23 hanggang July 31. Ito bale ang second time na na-postpone ang coronation night ng Miss World Philippines na ang original schedule ay nung nakaraang July 11 na siya namang coronation night ng Bb. Pilipinas.

Ang Miss World Philippines Organization ng pinamumunuan ng businessman at talent manager na si Arnold Vegafria ay naglabas ng official announcement ng postponement sa official Facebook account ng Miss World Philippines Organization last Friday, July 23.

“The Miss World Philippines 2021 coronation night has been postponed to August 8 after the government placed Metro Manila under general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” from July 23 to 31.

In compliance with the reimposition of the IATF’s heightened GCQ restrictions, the Miss World Philippines Organization is rescheduling the forthcoming Miss World Philippines coronation night originally scheduled this coming Sunday, July 25 to August 8, same venue.”

Kung matatandaan pa, hindi nagkaroon ng 2020 Miss World Philippines nung isang taon dahil sa Covid-19 coronavirus pandemic at ngayong taon lamang ito matutuloy pero dalawang beses nang naipagpaliban.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE