‘Walk the talk’ palagi si Gen. Eleazar
PORMAL na inilunsad ni Chief PNP Guillermo Tolentino Eleazar ang bagong ‘crime reporting system’ na ‘E-Sumbong mo, Aksyon Ako,’ kung saan direktang puwedeng magsumbong kay Gen. Eleazar ang ating taumbayan hinggil sa mga abusadong pulis sa kani-kanilang mga lugar o yung mga nangangailangan ng ‘police assistance.’
Ang kailangan lang ay mayroon kang ‘smart phone’ kung saan bukod sa text, puwede kang mag-email o kaya naman ay mag-Viber at kahit pa nga Twitter.
Nasabi nating ‘walk the talk’ si Gen. Guillor dahil nabanggit na rin niya ito sa kanyang ‘assumption’ bilang bagong Chief PNP noong Mayo 7, 2021, sa Kampo Crame.
At sa mga nakakakila sa kanyang dedikasyon, propesyunalismo at pagmamahal sa PNP bilang isang organisasyon, hindi “gimik” itong E-Sumbong Mo, Aksyon Ko, dahil matagal na niya itong ginagawa—kahit noong “RD” pa lang siya sa Calabarzon at sa NCRPO.
Isa nga naman kasi itong epektibong daluyan ng “pulso” ng ordinaryong tao at ng kanilang mga problema na kalimitan ay pulis lang ang puwedeng magresolba.
Sa kanya namang “pinalakas” na ‘crime reporting system,’ inalis na ang burukrasya o ‘human intervention’ dahil pag may nagsumbong, “ibinabato” agad ng ‘computer system’ ang sumbong sa concerned region/province at station. Sa ganyang paraan, maaaksyonan agad ang mga sumbong ng mga mamamayan.
Sa kanya pa ngang speech noong Mayo 7, ipinaalala pa ni Gen. Eleazar sa kanyang mga ‘police commanders’ na dapat nilang ilagay sa isipan na ano mang reklamo na matanggap nila ay ituring na isang direktiba na galing sa kanya, ‘remember that,’ mga bosing, hane?
Iniatas din ni Eleazar na dapat agarang umaksyon ang mga pulis sa mga sumbong, partikular kung may posibilidad na may mangyayaring krimen katulad ng mga kahina-hinalang tao sa isang lugar.
At para naman sa mga “ogags” at mga walang magawa kundi mamerwisyo (read: ‘pranksters), eh, dapat ninyong maisip na nanggaling din sa PNP Cybercrime Group si Chief PNP kung saan sa kanya pa ring talumpati noong Mayo 7, ay sinabi niyang isang sangay ng PNP na gusto niyang palakasin dahil nga “naglipana” ngayon ang ‘cybercrime.’
Translation? Mag-isip muna ng maraming beses ang mga aabusuhin ang “pinalakas” na sistema ni Chief PNP dahil hindi malayong matimbog kayo at masampahan ng kaso. Yes, dear readers, hindi rin naman papayag ang PNP na matapos ninyong “bulabugin,” ang sasabihin ninyo pag “nadakma” eh, ‘sorry po, sir, hindi na po uulitin!’Ano kayo, hilo, hehehe!
Kung halos buong ‘Pinas ay nagbunyi nang maitalaga si Gen. Eleazar bilang Chief PNP—matapos “malampasan” ng tatlong beses— eh, mas maraming nagbubunyi ngayon dahil sa kanyang estilo ng liderato. Kumbaga, “siya” ang “mukha” ng ‘Pulis ng Pilipino!’
At ang sadyang kahanga-hanga kay Gen. Guillor, kahit kailan, hindi siya nagbago sa pag-uugali at pakikisama.
Katunayan, “liyad dibdib” na naman ang ating mga kasamahan sa QCPDPC at NCRPOPC matapos silang “sorpresang bisitahin” ni Chief PNP noong isang linggo at bago ito, ang ating mga kasamahan sa Camp Vicente Lim na unang ‘regional command’ na binisita ni Chief PNP.
Hmm. Sa National Press Club naman, kailan kaya, hehehe!
And yes, Gen. Guillor, malapit na ang birthday ko, harinawang makadalo ka ulit, katulad sa dalawang birthday ko na nagpunta ka, remember, hehehe!
Abangan!