Direk

Walang sapawan sa ‘Lovely Ladies Dormitory’ — Direk Mervyn

October 14, 2022 Ian F. Fariñas 6038 views

WALANG sapawan sa limang babaing bida ng upcoming Vivamax Original Series na Lovely Ladies Dormitory.

‘Yan ang siniguro ng direktor nitong si Direk Mervyn Brondial sa digital mediacon kasama ang mga bidang sina Andrea Garcia, Hershie De Leon, Yen Renee, Tiffany Gray, Julia Victoria.

Wala raw mataas at wala ring mababa kundi pantay-pantay at balanse ang exposure ng bawat isa sa kanila.

Ganundin ang tinuran ng grupo nina Andrea dahil naniniwala sila na may kanya-kanya silang beauty at istorya sa six-part mini-series.

“Isinusulat pa lang po ito, balanse na ang bawat character sa istorya,” diin ni Direk Mervyn.

Ano nga ba ang mangyayari ‘pag pinagsama-sama ang limang magagandang babae sa iisang bubong?

Puno ng drama, riot sa kaguluhan at umaatikabong kaseksihan, ang gorgeous ladies na nakatira sa Lovely Ladies Dormitory ni Madam Lovely (ginagampanan ni Alma Moreno) ay kinabibilangan ni Stella (Julia), isang Nursing graduate na nagre-review para sa NCLEX at LET. Plano niyang magpraktis sa ibang bansa pagkakuha ng lisensya.

Si Tracy (Andrea) naman, Law graduate na naghahanda para sa bar exams. Sanay sa sophisticated lifestyle, conservative siya at nag-iisang virgin sa grupo.

Si Alma (Tiffany) ay graduating student na ang pamilya ay nagtatrabaho para kina Tracy sa probinsya. Isa siyang goal-getter at ‘di sumusuko.

Si Jackielyn (Yen) ang strong, independent woman ng grupo. Kinaya at kinakaya ang laban ng buhay kahit maraming pinagdaanan habang si Miya (Hershie), ang pinakabata sa kanila, ay isang Psychology student na sa likod ng mala-anghel na mukha, ay sikretong sugar baby ng isang mayaman at matandang lalaki.

Ang Lovely Ladies Dormitory ay kuwento ng limang babaing may iba’t ibang pagkatao, prinsipyo at pangarap. Panoorin kung paano nila susuportahan ang isa’t isa sa pagharap sa hamon ng buhay, sa pag-ibig, sa pamilya at sexual escapades.

May special participation si Alma bilang si Madam Lovely.

Abangan at i-experience ang good and bad side, ang hirap at sarap ng pagtira sa Lovely Ladies Dormitory sa Vivamax soon.

AUTHOR PROFILE