Paolo

Walang maririnig kay Paolo — Lolit

September 3, 2021 Vinia Vivar 217 views

Nagsalita na nga si LJ Reyes sa hiwalayan nila ni Paolo Contis. Matatandaang nauna nang kinumpirma last week ng manager ng aktor na si Lolit Solis ang nasabing breakup.

Sa Instagram post ng talent manager kahapon, sinabi niya na hindi lang si LJ ang nasaktan sa hiwalayan. Pero wala raw maririnig kay Paolo dahil sa puso nito, nandu’n pa rin ang respeto at pagmamahal sa mag-inang LJ at Summer.

Parte pa ng IG post ni ’Nay Lolit, “Siyempre sa breakup, you respect the feeling of your partner dahil nga minahal at nagmahalan naman kayong dalawa. Pero sana, kahit naghiwalay, manatiling friends lalo na pag meron kayong naging anak. Dapat avoid saying anything that you may regret later. Pero siyempre, tanggapin mo na lang na puwede nasabi niya iyon out of anger. Sure ako hindi gusto ni Paolo Contis ang mga naganap sa buhay niya. Sino ba naman tao ang may gusto na magkahiwalay kayo ng naging ka relasyon mo lalo na at may anak kayo. Imposible na hindi siya makadama ng lungkot o guilt sa mga naganap sa buhay niya. Pero ano ang magagawa niya kung iyon ang maging kapalaran niya? Acceptance sa mga pangyayari, at isipin na darating ang araw na magiging magkaibigan sila at makakapiling din niya ang mga anak niya. Sinong tao ba ang may gusto na mahiwalay siya sa mga mahal at minahal niya. Wala. Pero kailangan tanggapin na sa relasyon, dalawa kayo na may desisyon, dalawa kayo na may alam kung bakit hindi nagtagal o magtatagal ang pagsasama nyo. Acceptance sa gusto ng partner mo ang importante, para hindi na lumaki pa ang diperensiya. Kung anuman ang sabihin ni LJ Reyes maluwag na tatanggapin ni Paolo Contis. Kung anuman ang maging pasya niya, nirirespeto ni Paolo dahil si LJ pa rin ang mother ni Summer. Walang maririnig kay Paolo dahil sa puso niya nanduon pa rin ang respeto at pagmamahal sa mag ina niya. Puwedeng hindi naging matibay ang binding sa kanilang pagsasama, pero hindi kailanman mawawala ang happy memories na pinagsamahan nila. So sad. But thank you for the good memories. Sana matagpuan pa rin nila ang hinahanap nilang lasting happiness.”

Si LJ mismo ang nag-reach-out kay Boy Abunda at nagbigay ng exclusive interview noong Martes ng gabi at ni-release naman last Wednesday sa YouTube channel ng TV host na The Interviewer Presents: LJ Reyes (THIS INTERVIEW IS UNEDITED).

Tumagal ng isang oras at anim na minuto ang panayam kay LJ na nasa New York na. Kasama niyang lumipad ang dalawang anak na sina Aki at Summer.

Dumating sila sa NYC last week at kasalukuyang nakatuloy sa kanyang ina na 20 years nang naninirahan sa Amerika with her sister.

Walang patid ang pagluha ni LJ sa buong panayam.

Simula ni LJ, nagdesisyon siyang basagin ang katahimikan to set the record straight at para protektahan ang mga anak.

Unang nilinaw ni Kuya Boy kung totoong mutual decision ang paghihiwalay, walang third party at kung they simply outgrew each other.

“Tito Boy, it was so difficult, it was so painful,” saad ni LJ. “Siguro, Tito Boy, kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Kung hindi matibay ang pagmamahal ko sa mga anak ko para maging motivation siya sa akin to stand up and wake up every day, hindi ko po alam saan ako pupulutin.”

Ayon sa aktres, hindi mutual decision ang hiwalayan.

“It’s been really difficult, Tito Boy. The past several months. And ano ba ngayon, August? The past two months have been parang revelation after revelation.

“And sa gabi po, Tito Boy, ang nagpapatulog lang sa akin is praise and worship songs. Minsan po, binabangungot na ako kasi hindi ko po alam kung paano nangyari ‘yung mga bagay na nangyari.

Na parang hindi ko na po mahiwalay ‘yung reality sa nalaman ko na mga bagong information, revelation sa akin ng mga tao sa paligid ko, ‘yung mga na-uncover ko.”

Matagal na raw niyang nararamdaman na nakahiwalay na si Paolo sa kanila at malaki na ang ipinagbago nito.

“Parang nasa ibang mundo na po siya. At parang pakiramdam ko, eh, hinihintay niya lang na manggaling sa akin,” aniya pa.

Nagsimula raw ang pagbabago ni Paolo late last year. Madalas na raw itong walang sa bahay na dati’y hindi naman dahil napaka-homebody ng aktor.

Ilang beses daw niyang tinanong at kinausap si Paolo pero ang lagi raw sagot ay “akala mo lang ‘yun, ganu’n pa rin naman.”

Nilinaw ni Kuya Boy kung ano ang mga rebelasyon na nalaman niya about Paolo at sagot ni LJ, “Mayroon pong mga taong out of concern would message me about events or sightings, ganyan.

Pero I would ask, siyempre po, laging walang confirmation.”

Sa tanong kung may third party involved, hindi sumagot si LJ. At the end of the interview, muli itong tinanong ni Kuya Boy at ang nasabi lang ng aktres ay, “I think po, maraming makakasagot niyan kahit po hindi ako sumagot.”

Hindi rin nakasagot si LJ nang tanungin kung may kinalaman ba ito sa pera.

“Priority ko po ang welfare ng mga bata,” sey ng aktres.

“Hindi ko lubos akalain na masasaktan ako at ang mga bata nang ganu’n. Gusto ko na lang po talagang parang tanggalin sila sa sitwasyon kung kaya kong baguhin lahat,” ani LJ.

Asked kung sinasaktan ba ni Paolo ang mga bata physically, ani LJ, hindi naman.

Sa ngayon, hindi pa alam ni LJ kung hanggang kailan sila mananatili sa New York. Wala pa raw siyang konkretong plano.

Ipinagdadasal na lang daw niya na bigyan siya ng lakas ng loob at makapagsimula kasama ang dalawang anak.

Six years ding nagsama nina Paolo at LJ. May isa silang anak, si Summer, habang ang panganay naman na si Aki ay anak ng aktres kay Paulo Avelino.

AUTHOR PROFILE