Walang harassment sa kasong murder vs 2 media workers
MASBATE City — Lehitimo at walang kulay pulitika o media harrasment ang isinampa na kasong murder laban sa dalawang media workers sa lalawigan ng Masbate.
Sa pahayag ni Ruben Fuentes, presidente ng Masbate Quad Media Society, Inc., kanyang sinabi na batay sa information na isinampa ni Provincial Prosecutor Jeremias Mapula sa Cataingan Regional Trial Court Branch 49 noong Hulyo 2, 2024, ang mga kasong kinakaharap nina alyas ‘Ka Ben’ at alyas ‘Ka DJ’ kasama sina alyas ‘Ka Rem’ at alyas ‘Ka RM’ ay may kaugnayan sa pagpatay sa isang alyas Richard noong Abril 6, 2024 sa Barangay Taverna, Cawayan.
Sa criminal complaint ay nakasaad na nakitaan ng probable cause ang akusasyon kaya ito ay isinumite ng piskalya sa korte.
Ayon kay Fuentes ay walang kinalaman ang pulitika sa Masbate sa naturang kaso ng tinawag niyang renegade member ng samahan na kanyang pinamumunuan.
“Linawin ko lang na walang katotohanan ang naunang ulat sa pahayagang nasyunal na media harassment ang dahilan ng pagsampa ng murder case,” mariing pahayag ni Fuentes.
“Hinihikayat ko ang aking mga kasamahan sa MQMSI na ‘wag sana tayong magpapagamit sa away ng mga pulitika at panatiliin natin ang balanse a oatas na pag-uulat at wag natin ipagamit ang ating propesyon sa kasinungalingan ng isang pulitiko para lang siraan ang kanyang kalaban,”mariing panawagan ng pangulo ng MQMSI sa kanyang mg miyembro.