Default Thumbnail

Walang dahilan para palitan ni PRRD si BoC Chief Rey Guerrero

October 28, 2021 Vic Reyes 314 views

Vic ReyesMATINDING pahirap sa taumbayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Wala na ngang kita at trabaho ang maraming tao, patuloy pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nito lang linggo, tumaas na ng halos beinte pesos ang bawat kilo ng karneng baboy, baka at manok. Ang sinasabi ngang dahilan ng mga nagbabagsak na biyahero, tumaas daw kasi ang kurudo at gasolina.

Saan na kaya susuot ang taumbayan, lalo na ang mga mahihirap?

Malaking hamon ito sa mga otoridad.

Ang problema, alam naman natin na nandiyan pa rin ang kinatatakutang COVID-l9.

Kahit binubuksan na ng gobyerno ang ekonomiya ay marami pa ring takot na lumabas.

Hindi natin masisisi ang mga tao kung atubili pang lumabas ng bahay.

Takot silang mahawahan ng COVID-l9 dahil baka lahat ng mga miyembro ng pamilya ay ma-quarantine.

Matatagalan pa sigurong bumalik sa dating normal ang pamumuhay sa bansa.

Mahirap naman kung magpapadalus-dalos ang gobyerno sa pag-desisyon na payagan ng lumabas ng bahay ang mga tao.

Lalo na nga ngayon na tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 sa ibang bansa partikukar na sa London.

Kaya naman totoong delikado pa rin ang sitwasyon.

At kailangang tutukang maige ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo na siguradong magpapataas ng lahat ng bilihin.

***

Lamang na ang mga kandidatong may mahaba ang pisi.

Ito ang mga kandidatong namimigay ng pinansiyal at materyal na “tulong” kapag malapit na ang eleksyon.

Hindi naman sinasabing iboto sila kapag namimigay ng tulong pero alam naman ng lahat na iyon ang talagang pakay.

Kawawa ang mga walang perang kandidato na seryosong hangad na tumulong.

Kaya sana, mag-isip-isip ang mga botante.

Kilatisin nilang maige ang mga”matulunging” kandidato.

Tandaan natin, bawiin din ng mga ito ang ginastos sa pamamagitan ng pangungurakot?

Nabigyan nga tayo ng isa o dalawang libong piso pero tatlong taon naman tayong lolokohin ng mga tusong pulitiko.

Sa tingin natin, dehado ang taumbayan kung ang batayan ng ating pagboto ay kung magkano ang matatanggap nating tulong mula sa kandidato.

Dapat maging politically mature na tayo.

Kung hindi, asahan na nating mananatili ang korapsyon at katiwalian sa gobyerno.

***

Dahil sa kanyang maayos na pamamalakad sa aduana, walang nagawa ang mga kritiko ni BoC Chief Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Malabo na kasing palitan pa ni PRRD si Comm. Guerrero.

May mga nagtangkang pumalit kay Jagger pero hindi nagtagumpay.

Wala kasing dahilan para palitan ni PRRD si Guerrero bilang hepe ng BoC.

Sa katunayan, maganda ang performance ni Guerrero bilang tax collector, graft buster at hunter ng mga ismagler.

Kahit na patapos na administrasyon Duterte, hindi nagpapabaya sa trabaho sina Sir Jagger.

Para sa mga taga-BoC, tuloy lang ang trabaho.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969)037 7083/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE