Default Thumbnail

‘Wala yan sa lolo ko’, kulong sa pagnenok ng may gulong

September 8, 2023 Steve A. Gosuico 269 views

GUIMBA, Nueva Ecija — Isang lalaki na wanted dahil sa carnapping ang nahuli noong Miyerkules, ayon sa pulisya.

Kinilala ni police head Lt. Col. Reynold B. Macabitas ang naaresto na na si alyas Federico, 63, ng Purok 4, Bgy. Mamandil, Talavera, Nueva Ecija.

Natimbog ang suspek ng composite team mula sa Talavera at Guimba police station, Nueva Ecija provincial highway patrol team at 2nd Provincial Mobile Force Company dakong 6:45 ng gabi.

Sinabi ni Macabitas na nagrekomenda ang korte ng piyansang P300,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

AUTHOR PROFILE