Suspek Waiter dinampot sa barko dahil sa kaso ng ‘kael-an’

Waiter dinampot sa barko dahil sa kaso ng ‘kael-an’

October 4, 2023 Jonjon Reyes 116 views

HINDI akalain ng 36 anyos na waiter sa isang barko na matutunton ito makaraang magkaroon ng kasong act of lasciviousness sa Puerto Prinsesa Palawan at maaresto sa lungsod ng Pasay, Martes ng gabi.

Arestado ang 36 anyos na waiter, may asawa at nanunuyan sa panulukan ng Eusebio at Dominga Street, Pasay.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng arrest warrant na bitbit ng isa sa mga tauhan ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 sa pangunguna ni Police Captain Fredwin Sernio, hepe ng Investigation Section, na inisyu ni Judge Arlene Bayuga- Guillen, ng Regional Trial Court Puerto Prinsesa Palawan.

Ang mga operatiba ay atasan ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, MPD Barbosa Police Station14 commander, na arestuhin ang suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong acts of lasciviousness sa Irawan Police Station Puerto Princesa City Police Office (Station Level)

AUTHOR PROFILE