Miss World

Waging Miss World Philippines taga-Cebu rin

October 4, 2021 Aster Amoyo 260 views

Miss WorldTIYAK na ngbubunyi ngayon ang mga taga-Cebu dahil magkasunod na tagaroon ang kinoronahang Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez at Miss World Philippines na si Tracy Maureen Perez.

Pagkatapos ng coronation night ng Miss Universe Philippines last September 30 na ginanap sa Hennan Resort Convention Center ng Alona Beach, Panglao, Bohol kung saan si Beatrice ang nanalo, sumunod naman last Sunday, October 3 ang Miss World Philippines kung saan naman si Tracy ang nakakuha ng korona.

The coronation night which was held in Subic Bay Convention and Exhibition Center in Subic Bay Freeport Zone, Olongapo, Zambales took more than six hours kaya karamihan ng mga kandidata at manonood ay inantok sa kahihintay.

Limang beses na-postpone ang coronation night ng Miss World Philippines at nitong Oktubre 3 lamang natuloy na inabot pa ng early morning ng October 4. Marami sa mga kandidata ang nakunan na naghihikab. Baka inaantok na rin ang nanalong bagong Miss World Philippines na si Tracy dahil dalawang beses nadulas at bumagsak habang naglalakad before and after she was declared as the winner at nalaglag din ang kanyang korona.

Bukod sa kanyang pagiging kinatawan ng Pilipinas sa darating na Miss World 2021 pageant sa darating na December 16, 2021 na gaganapin sa Jose Miguel Agrelot Coliseum ng San Juan, Puerto Rico, part ng premyo ni Tracy ay P500,000 cash, P2-M management contract with ALV Talent Circuit management, P500,000 movie contract at iba pa.

Samantala, ang iba pang winners para sa iba’t ibang titulo ay sina Dindi Pajares bilang Miss Supranational Philippines, si Cathleen Paton ang Miss Eco Philippines, Emmanuelle Vera ang Reina Hispanoamerica Filipinas, Trisha Martinez as Miss Tourism Philippines, Michelle Arceo as Miss Environment Philippines. Shaila Robertera as Miss Multinational Philippines at Tatyana Austria bilang Miss Eco Teen Philippines. First runner up naman si Riana Pangindian habang si Ganiel Krishnan naman ang 2nd runner-up.

Ang next na hihintayin ay ang magiging performance ng mga kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang international beauty pageants .

Richard muling susubok sa pulitika

MULING susubok sa pulitika si Richard Yap matapos na hindi siya pinalad noong 2019 sa kanyang unang bid. Sa pamamagitan ng kanyang wife na si Melody Yap, muling nag-file ang businessman-actor ng kanyang kandidatura sa pagka-congressman sa unang district ng Cebu.

Since muling kakandidato si Richard, malamang na ma-postpone ang airing ng kanyang kauna-unahang TV series sa GMA, ang “I Left My Heart In Sorsogon” kung saan niya katambal si Heart Evangelista.

Richard started his showbiz career in 2011 nang kanyang gawin sa ABS-CBN ang TV series na “My Binondo Girl” na pinagbidahan ni Kim Chiu. Napasama rin siya sa primetime TV series na “Walang Hanggan” nina Coco Martin at Julia Montes in 2012 tumagal hanggang 2014.

Pero sumikat nang husto si Richard nang siya’y ipareha kay Jodi Sta. Maria sa morning TV series na “Be Careful with My Heart” in 2012 na tumagal din ng dalawang taon until 2014. In 2016, muli silang nagtambal ni Jodi sa hit movie na “The Acky Breaky Hearts”. On the same year, siya’y bumida sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” ng Regal Films. Muli silang nagsama ni Jodi sa TV series na “Sana Dalawa ang Puso” kung saan din nila kasama si Robin Padilla. Huli siyang napanood ABS-CBN sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” at sa action-drama na “Almost Paradise”. On December 16, 2020 ay lumagda si Richard ng kontrata sa GMA Artists Center.

Kasal nina Carla at Tom hindi matutuloy sa itinakdang date?

HINDI na ba matutuloy ang October 23, 2021 original schedule ng wedding nina Carla Abellana and Tom Rodriguez na nakatakdang ganapin sa Madre de Dios Chapel ng Tagaytay Highlands?

May balita kasi na ito raw ay mauurong sa ibang petsa.

Samantala, si Carla ay binigyan ng surprise “bachelorette party” ng kanyang co-stars sa kanyang ginagawang TV series, ang “To Love and to Hold” na kinabibilangan nina Rocco nacino (with his wife na si Melissa Gohing-Nacino), Max Collins, Valeen Montenegro, Luis Hontiveros, Inah Feleo maging ang director na si Don Michael Perez na ginanap mismo sa kanilang lock-in taping.

Natutuwa naman si Carla dahil ang buong akala niya ay hindi na siya makakaranas ng “bachelorette party’ dahil sa pandemic.

Carla ang her fiancé, ang kapwa niya Kapuso actor na si Tom Rodriguez got engaged in October 2020 after being in a relationship for six years. Pero sa kabila na malapit na silang ikasal ay patuloy pa rin ang dalawa sa kanilang respective work.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE