Tiangco

‘Wag paloko sa love scammers, maghanap ng forever — Tiangco

November 14, 2024 Edd Reyes 161 views

HINIMOK ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang publiko na maging mapagmatyag sa talamak na “love scams” ngayon.

“Siyempre, sana all may love life pero ayaw natin na maloko lang ng pekeng pag-ibig ang mga kababayan natin. True love dapat ang mahanap nila, hindi kriminal.

Huwag po basta-basta magpadala sa damdamin. Hindi po sa lahat ng bagay, puso ang una nating paiiralin.

Pinag-iingat natin ang mga kababayan natin dahil may mga masasamang-loob na patuloy na mananamantala kahit na alam nilang labag sa batas ang ginagawa nila,” dagdag pa niya.

Binanggit ni Tiangco ang ginawang pag-aaral ng global information and insights company na sa unang bahagi ng kasalukuyang taon, 18 porsyento ng pinaghihinalaang digital na panloloko sa sektor ng komunidad, tulad ng online forums at dating sites nagmula sa Pilipinas.

“Nakakalungkot dahil marami pa ring nabibiktima ang ganitong modus na pinagsasamantalahan ang damdamin ng ating mga kababayan,” sabi pa ni Tiangco.

“Scammers target even the most personal and basic aspirations of people – to be loved and be in a committed relationship.

Let us protect Filipinos from the financial, emotional, and psychological damage these scams cause,” dagdag pa niya.

Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), pagsasamantala sa mga biktima ang love scams sa pamamagitan ng paglikha ng pekeng katauhan at anyo na layuning kunin ang tiwala ng mabibiktima hanggang tuluyang kumagat sa pain upang sila’y manipulahin, kikilan o nakawan ng kung ano ang mayroon sa kanila,

Pinaalalahanan niya ang publiko na maging mapagbantay at ireport ang matatanggap na kahinahinalang mensahe at aktibidad sa anti-scam hotline na 1326.

AUTHOR PROFILE