Wag pakampante – Yap

October 3, 2021 People's Tonight 176 views

BINALAAN ni ACT-CIS nominee Edvic Yap ang publiko na huwag maging kampante at sa halip ay patuloy na maging maingat kahit pa tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon.

Sinabi ni Yap, “mas mainam na maging maingat tayo ngayon para iwas sa biglang paglobo na naman ng virus sa ating bayan.”

Ayon kay Yap, “pero I believe we have learned our lesson at experience na rin kung papaano at ano ang dapat gawin para makaiwas sa COVID.”

“Pag tumaas kasi ang hawaan, mapupuwersa ang gobyerno na balik ECQ (enhanced community quarantine) at lockdown tayo kaya dapat talagang mag-ingat,” paliwanag pa ni Yap.

Paalala din ng ACT-CIS nominee sa mga local government units (LGU) na bantayan din ang kanilang mga constituents hinggil sa pagsunod sa mga health protocols.

“Baka kasi na naka-focus na kasi masyado ang LGUs natin sa halalan at hindi na sa pandemya,” pahabol ni Yap.

AUTHOR PROFILE