Wag mag-panic, publiko dapat informed sa Nipah – solon
SINABI ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Rep. Janette Garin na dapat maglabas ng official report at safety precautions upang maiwasan ng publiko na magkaroon ng Nipah virus (NiV).
Ayon sa dating health secretary, hindi pa oras para mag-panic dahil sa NiV. Gayunpaman, alam dapat ng publiko ang impormasyon tungkol sa virus at mga sintomas nito, aniya.
“Dapat ay mayroong actual and reliable information to the general public without being an alarmist so hindi po puwedeng takutin ‘yung tao pero dapat alam nila ‘yung totoo at bakit nangyayari ito,” ani Garin sa interview sa DZBB nitong Linggo.
Nanawagan din ang mambabatas para sa agarang pagtutulungan ng Department of Health (DOH) at Department of Agriculture para sa “aggressive surveillance.”
“From Ebola to Zika to MERSCOV to COVID-19 to Nipah. This overemphasizes the need to prioritize Surveillance Centers in each DOH Regional Hospital immediately. Little investment in office and experts can go a long way,” sinabi ni Garin, na isa ring doktor.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang NiV ay kadalasang naililipat mula sa mga hayop patungo sa mga tao. Sinabi rin nito na ang mga tao ay maaari ding mahawa kung sila ay may close contact sa isang nahawaang hayop o sa body fluids nito.
Ayon kay Garin, ang Pilipinas ay hindi na bago sa NiV dahil ang bansa ay nagkaroon ng mga kaso noong 2014 na nagmula sa fruit bats at nahawa ang mga kabayo, dahil ang mga pagkain ng mga kabayo ay kontaminado ng ihi ng paniki.
“Resilient as we are, we were able to contain it. It was one of my ‘baptism of fire’ when I joined DOH. I have strong faith in our experts, but information from them should be laymanized to the public,” sinabi ng mambabatas.
Pinayuhan ng deputy majority leader ang publiko na palaging hugasan ang prutas at gulay, siguraduhing luto ang karne at maghugas ng kamay para maging ligtas sa mga virus.
Iminungkahi din niya na ang mga indibiduwal na nakararanas ng patuloy na lagnat at moderate to severe headache ay dapat kumonsulta sa doktor.
“Washing fruits and vegetables should not be taken for granted. Not only Nipah but other viruses as well. Teach our children the importance of washing fruits and not directly eating them from the trees – frequently handwashing with soap and water. Proper hygiene. These are lifesaving measures (that) should always be remembered, never to be forgotten,” ipinunto ni Garin.
“Fruit bats are part of Philippine ecology. We live with them and ensure we don’t stress them out, but if ever they get sick, we ensure that viruses transmitted to animals and/or humans should have no human-to-human transmission. Persistent fever, especially if accompanied by moderate to severe headache, are red flags,” dagdag pa ng mambabatas mula Iloilo.