G22

Vxon at G22, nagmarka sa 1st P-pop convention

April 17, 2022 Ian F. Fariñas 93 views

SA ilang P-pop groups na ni-launch sa showbiz scene, dalawa ang Vxon at G-22 sa pinaka-impressive at talagang nagmarka ang performance sa entertainment press.

Talents ng Cornerstone Entertainment ang all-boy group na Vxon habang all-girl group naman ang G22.

Ang VXON ay binubuo nina C13, Patrick, Franz, Samm at Vince. Ang G22 naman, kinabibilangan ng apat na members na sina AJ, Jaz, Bianca at Alfea.

Released na ang kani-kanilang singles at talagang ka-join sila sa mga tinilian at hinangaan sa katatapos na 2022 P-Pop Convention na ginanap nu’ng April 9 at 10 sa New Frontier Theater and Smart Araneta Coliseum.

Hindi kataka-taka na nag-standout ang Vxon at G22 sa kanilang first P-pop convention experience dahil launching pa lang, kinakitaan na sila ng husay sa pagkanta at pagsayaw.

May kakaiba ring charm ang Vxon at G22, kaya naman tumatak sila sa mga nag-attend ng launch. “We are very honored and grateful to be surrounded by such amazing artists and P-pop idols din po. It’s just so surreal and we’re so thankful,” ani Jaz sa ginanap na press launching kamakailan.

“Finally, ’eto na, nangyayari na and we’re happy makasama ‘yung iba pang mga P-pop groups, our brothers and sisters in one event,” dugtong ni Franz.

“Yeah, we’re very excited po ’coz this event is one for the books since ito nga po ang first event kung saan, magsasama-sama lahat ng P-pop groups and we’re very excited po na makasama ang ibang P-pop groups sa isang stage,” sambit naman ni C13 tungkol sa ginanap na P-Pop convention.

“Vixies” at “Bullets” ang tawag sa fans ng dalawang grupo.

At tulad ng sinabi nila sa launching, hindi birong hirap at kinailangan nilang pagdaanan mula sa matinding screening hanggang sa styling na very pleasant ang dating.

Aminado ang grupo na main focus nila ang pagkanta sa ngayon pero dahil mga bata pa nga, eh, bukas naman sila sa lahat ng opportunities at pintong magbubukas para sa kanila sa showbiz.

Ang Vxon at G22 music ay exclusively released, distributed at produced by Cornerstone Entertainment.

AUTHOR PROFILE