Ortega House Majority Leader Paolo Ortega V

VP Sara pa-victim

September 11, 2024 People's Tonight 78 views

DIRETSAHANG sinabi ni House Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V na ang mga isyung kinakaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte ay sarili niyang kagagawan, salungat sa sinasabi nito na pinupuntirya siya at ang kanyang tanggapan.

“Karamihan nung mga sinabi niya, parang siya nag-a-attack sa sarili niya, parang self-inflicted kasi,” ayon kay Ortega sa ginanap na pulong balitaan sa Kamara de Representantes.

Ayon pa kay Ortega, “In the House of Representatives, from the start, kahit sa presscon, kung may issues man, we stick with the issues. Kung may critique man, after we look into the deeper content, we offer solutions. Issue-based lang po talaga, kitang kita naman po iyon.”

Ang tugon ni Ortega ay kaugnay na rin sa alegasyon ni Duterte na siya ay pinupuntirya, at sa mga kumakalat na tsismis na hindi bibigyan ng pondo ang Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Duterte na siya ay inaatake dahil siya ay potensyal na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Iginiit naman ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na walang katotohanan na pulitika ang nasa likod ng pagsusuri ng ginawang paggastos ng budget at panukalang budget ng OVP.

“Maybe that’s the playbook of the previous administration, but as far as I’m concerned, I don’t care who the president will be in 2028. What matters to us now is the current budget,” ayon kay Gutierrez.

Sumangayon naman si Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa naging pahayag ni Ortega, kung saan binigyang-diin nito na nananatiling tapat ang Kamara sa pagbibigay ng kinakailangang pondo para sa OVP habang pinapanatili ang pagiging transparent sa proseso.

“Our duty is to the people. I don’t think Congress will ever compromise the need to strengthen the mandate of every office, including the OVP. But since the Vice President has chosen not to explain it herself, we will turn to the Constitution and ensure her role receives the resources required,” ayon kay Acidre.

Sa panig naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, sinabi nito na hindi tama ang mga paratang na pamumulitika.

“I think the ones accusing us of politicking are the ones actually doing the politicking,” ayon kay Adiong, ang itinalagang sponsor ng OVP budget sa pagtalakay nito sa plenaryo.

Binigyang-diin ni Adiong na ang mga talakayan sa budget ng House committee on appropriations, na hindi sinipot ni VP Duterte noong Martes, ay isang mahalagang bahagi ng trabaho at tungkulin ng mga mambabatas, na isang paraan upang matiyak na ang pondo ng gobyerno ay ginagamit nang maayos at ayon sa batas.

“I think the ones that are accusing us of politicking are the ones who are actually doing the politicking,” paliwanag pa ni Adiong.

Sinabi pa nito na wala pa sa isipan ng mga mambabatas sa Kamara ang usapin ng halalan lalo’t napakalayo pa ng taong 2028.

“What’s urgent for us is ensuring that the entire bureaucracy can function effectively, and to do that, we need to approve the budget,” ayon kay Adiong.

Dagdag pa nito, “We need to address the people’s needs in terms of funding and programs, and ensure that vital programs receive the proper funding. Ganoon lang po.”

AUTHOR PROFILE