VP SARA MAGING HUWARAN
Zamboanga del Norte 2nd District Rep. Glona F. Labadlabad:
Wag manisi, maging mabuting halimbawa
PINAALALAHANAN ng isang mambabatas mula sa Mindanao si Vice President Sara Duterte na bilang isang mataas na opisyal ng pamahalaan, dapat ay maging huwaran ito at maging mabuting halimbawa sa iba at huwag ipakalat ang kultura ng paninisi.
Ayon kay Zamboanga del Norte 2nd District Rep. Glona F. Labadlabad, chairperson ng House committee on inter-parliamentary relations and diplomacy, sa halip na manisi ay tumulong na lamang sa paghahanap ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.
“Vice President Sara Duterte’s finger-pointing does nothing to help the country. Real leadership means offering solutions, not just criticisms,” ayon kay Labadlabad.
“Her tenure as Education Secretary did not effectively address the root causes of our educational challenges. These unresolved concerns undermine her credibility when she criticizes the Marcos administration,” dagdag pa ng mambabatas.
Nauna rito, pinuna si Duterte sa pagkabigo nitong pangasiwaan ng mahusay ang Department of Education (DepEd) upang mapataas ang antas ng edukasyon, mapabuti ang kalagayan ng mga guro sa pampublikong paaralan, maipamahagi ang mga libro at kagamitan na binili ng gobyerno, ma-update ang kurikulum, at mapataas ang antas ng critical thinking ng mga estudyante.
Ayon kay Labadlabad, nangangailangan ng mga epektibong pamamaraan at pagtutulungan upang makapagpatupad ng reporma sa sektor ng edukasyon.
“Everyone in the House is working hard to address our nation’s problems. It’s time for us to end blame game and start leading by example and strive together in finding effective and efficient solutions not fault towards the attainment of a better and progressive nation,” giit pa ni Labadlabad.