Bordado

VP Sara kinondena ikinumpara kay VP Leni

August 9, 2024 People's Tonight 98 views

BINATIKOS ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. si Vice President Sara Duterte kaugnay ng sinabi nito na ang kanyang pamilya ay binu-bully ng administrasyong Marcos.

Sa isang pahayag, ikinumpara ni Bordado si VP Sara kay dating Vice President Leni Robredo na sa halip na magreklamo sa publiko ay tahimik na nagtrabaho para sa kapakanan ng publiko sa kabila ng limitadong pondo na inilaan sa kanyang tanggapan.

“Vice President Duterte’s pronouncements against the present administration are both alarming and puzzling. It is unfortunate that instead of quietly working through challenges as her predecessor did, she has chosen to publicly criticize and accuse the government of bullying her family. Former Vice President Leni Robredo, despite facing significant budgetary constraints, continued to work quietly and effectively. She never demanded excessive security nor made a spectacle of her struggles,” ani Bordado, kilalang kaalyado ni Robredo.

Ipinunto pa ni Bordado na kahit na sinasabing malamig na ang relasyon ni VP Sara at ng administrasyon ay inaprubahan pa rin ng Kongreso ang P2.4 bilyong pondo ng Office of the Vice President (OVP) ngayong taon.

Sinabi ni Bordado na kapansin-pansin ang ginawa ni VP Duterte na gastusin ang malaking bahagi ng pondo ng kanyang tanggapan sa kanyang personal security.

Batay umano sa ulat ng Commission on Audit (COA), lumobo sa 433 ang security detail ni Duterte na malayo sa 78 na bantay ni VP Robredo noong ito ay nasa puwesto. Sinabi ni Robredo na anim sa bawat 10 staff ni Duterte ay security escorts.

“One must wonder,” pagpapatuloy ni Bordado, “with more bodyguards than working personnel, how much real work could possibly be done? What is Duterte so afraid of that requires such an exorbitant number of security escorts?”

Batay sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) gumastos ang tanggapan ni VP Sara ng P25.308 milyon sa security detail noong 2023 na nangangahulugan na sumahod ang mga ito ng P50,000 kada buwan.

Iginiit ni Bordado ang kahalagahan na repasuhin ang mga prayoridad ng gobyerno.

“More than the humongous amount poured into one office that might have found better use in other areas—sports development, to hear the latest clamor—is the question of priority and proportion. The public deserves to know why such a large portion of the OVP’s resources is dedicated to security, rather than to initiatives that benefit the broader Filipino population,” saad ng kongresista.

Nanawagan din si Bordado kay VP Sara na maging transparent at accountable sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

“The people have a right to demand accountability from their leaders. It is imperative that public funds are used wisely and justly, with the true needs of the nation at the forefront,” dagdag pa ng mambabatas.

AUTHOR PROFILE