BBM Sara Inanunsyo ni President in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang muling pagharap sa media na si vice presidential frontrunner Sara Duterte ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

VP frontrunner Sara Duterte itatalagang kalihim ng DepEd

May 11, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 502 views

SI vice presidential frontrunner Sara Duterte ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito ang inanunsyo ni President in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang muling pagharap sa media.

Ayon kay Marcos tinanong nito si Duterte kung kaya niya ang mabigat na trabaho ng ahensya at positibo ang naging pagtugon nito.

Naniniwala si Marcos na magagamit ni Duterte ang kanyang pagnanais bilang ina na matiyak na “well educated” ang kanyang mga anak.

“That’s the best motivation that we can hope for,” sabi ni Marcos.

AUTHOR PROFILE