
Volunteer nakuryente sa sunog, naisalba ng nurse, BFP
ISANG lalaking fire volunteer ang Nawalan ng malay ng aksidenteng mahawakan nito ang isang open line na kuryente sa Caloocan City noong Biyernes.
Agad na rumesponde ang SRF sa pamumuno ni SFO1 Ronel D. Pacao sa sunog sa NTC Area 8, Brgy. 164,Talipapa Caloocan City, na naganap bandang 1:55 p.m. noong Pebrero 10.
Aksidenteng nahawakan ng isang fire volunter ang open wire ng kuryente at ito’y nawalan ng malay.
Kaagad isinalba nina FO2 Kristine Jenae S. Fronda at FO1 Roselle H. Turla, registered nurse, ang buhay ng biktima.