Nieto

VM Yul nanguna sa flag ceremony; Mayor Honey nasa Harvard

February 12, 2024 Edd Reyes 54 views

PINANGUNAHAN ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang regular flag raising noong Lunes bilang representative ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na naimbitahan sa Harvard University bilang speaker sa College Project for Asian and International Relations (HPAIR) ng unibersidad.

Nauna na ring inihayag ni Manila Public Information Office (MPIO) chief Atty. Princess Abante na speaker ang alkalde sa pulong na may titulong “Chartering New Horizon: Mapping Present and Future” sa Harvard University mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 11, 2024.

Si Mayor Lacuna-Pangan ang ikalawang Pilipina na inimbitahan na magsalita sa naturang pagpupulong.

Mula sa pagiging doktor, pulitiko na ang alkalde ngayon.

Mula noong 2004 hanggang sa kasalukuyan, binigyan niya ng prayoridad ang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan, bukod pa sa malalim na ring karanasan sa pag-apruba sa mga ordinansa at resolusyon na nakalutas sa iba’t-ibang usapin sa Maynila.

Isa rin siya sa mga nanguna sa pagharap sa mga problemang dala ng COVID-19.

AUTHOR PROFILE