Sunshine

Vivamax star namatayan ng asawa

June 22, 2024 Aster Amoyo 310 views

Sunshine1Sunshine2CEBU-based Chinese-Filipina Viva sexy star and vlogger Sunshine Guimary lost her husband of two years due to enlargement of the heart. Although hindi pinangalanan ng sexy star ang namayapang mister, nakilala namin ito sa presscon ng comedy movie na “Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan” with rapper-comedian na si Andrew E. and sexy star AJ Raval. Ito bale ang last movie na ginawa ni Sunshine sa bakuran ng Viva bago ito nag-asawa. She stopped doing sexy films nang siya’y mag-asawa.

It was only recently nang kanyang ibahagi ang ilang photos kuha sa beach wedding ng kanyang namayapang husband.

Ngayong maaga siyang nawalan ng asawa, balikan kaya ni Sunshine ang paggawa ng mga sexy movies? She was launched in the sexy film “Kaka” kung saan si Ion Perez ang kanyang naging kapareha. She was also in the movie “House Tour” all under Viva Films at ipinalabas sa Vivamax.

Martin at Pops muling magkasama sa Amerika

PopsPops1NGAYONG nasa Amerika ang dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez for a series of shows kasama ang kanilang panganay na si Robin Nievera, they have all the time na makasama ang kanilang first grandson na si Phineas kay Robin at sa non-showbiz partner nitong naka-base in Chicago, USA.

Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Martin at Pops at may iba nang karelasyon ang Concert King, madalas pa ring nabubuo ang kanilang pamilya sa maraming okasyon. Bukod kay Robin, kasa-kasama rin nila sa kanilang US concert tour ang kanilang second son na si Ram.

Pops maintained her good relationship with Martin maging sa ex-girlfriend nitong si Katrina Ojeda with whom he as a son na si Santino at sa present partner nitong si Anj del Rosario.

Vhong at Bea magtatambal muli

AFTER twenty one years since 2003, muling magkakatrabaho sa isang pelikula ang dancer, actor-comedian and TV host Vhong Navarro at ang director na si Erik Matti sa isang upcoming movie na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo kasama sina Joel Torre at Joey Marquez.

Hindi pa malinaw kung action-comedy ang tema ng pelikulang pagtatambalan nina Vhong at Bea sa unang pagkakataon pero excited si Vhong sa bago niyang film project reuniting him with Direk Erik.

‘Goin Bulilit’ ibabalik

BobotBobot1MARAMING mga bata at magulang ang natuwa nang malaman nilang ibabalik na ang masayang kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na pinagmulan ng maraming stars at kasama na rito sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Bell Mariano, Alexa Ilacad, Nash Aguas, Mika de la Cruz, Miles Ocampo, Kiray Celis at marami pang iba.

After 14 years ay nagpaalam sa ere ang “Goin’ Bulilit” nung 2019 na ikinalungkot hindi lamang ng mga bata at parents kundi maging ang followers ng programang pambata. Pero ang magandang balita, after almost five years ng pagkawala ng programa ay ibabalik ito sa ere ng ABS-CBN na mapapanood araw-araw simula sa July 1 bago mag-“TV Patrol”.

Created by singer, actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz, ang pagbabalik ng “Goin’ Bulilit” sa ere ay nagbigay ng hope sa maraming bata na nagnanais na mapabilang sa masayang programang pambata.

Among the old members ng “Goin’ Bulilit” na mapapasama sa bagong “Goin’ Bulilit” ay ang ten-year-old na ngayong si Jordan Lim, pamangkin ng Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla. Kasama rin sa bagong batch ang anak ng dati ring member ng “Goin’ Bulilit” na si Bugoy Carino at partner nitong si EJ Laure na si Sclarlet, maging sina Jeremiah at Chastity (mula sa seryeng “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano) at ang mga “It’s Showtime” kids na sina Argus, Jaxe, Imogen, Kulot at Kelsy. Kasama rin sa bagong batch ang pamangkin ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio na si Lucas Andalio. among others.

Out of more than 4,000 kids na nag-audition, 30 rito ang tinanggap.

Tiyak na makakasamang muli ni Bobot (Edgar) ang kanyang mga anak na sina Francso at Badgie Mortiz sa pagdidirek ng bagong “Goin’ Bulilit” na inaasahang magiging training ground ng mga upcoming stars ng ABS-CBN.

Barbie at David nahihirapan sa pagpapa-sweet

SA kabila ng mainit na tambalan ng BarDa nina Barbie Imperial at David Licauco, nanatiling secured at supportive boyfriend ang Kapuso actor na si Jak Roberto sa kanyang kasintahang si Barbie at sa successful team-up nila ni David na nagsimula nang magsama ang dalawa sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra” nung 2022 at nagtapos nung isang taon.

Kung tutuusin, may pressure ito sa magkasintahang Barbie at Jak maging sa team-up nina Barbie at David na kailangang sweet sa isa’t isa laluna sa kanilang nga eksena at sa harap ng kanilang fans.

Barbie at Jak celebrated their 7th anniversary bilang magkasintahan last May. Asam ng marami na huwag naman daw sanang matulad ang relasyon ng dalawa kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na umabot ng 11 years maging sa dating magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim na tumagal ng 12 years ay nauwi pa rin sa hiwalayan.

Mahirap din sa part ni David ang pigilan ang kanyang damdamin kay Barbie knowing na meron itong kasintahan.

Magkaibigan lamang ang trato sa isa’t isa nina Barbie at David at nagtutulungan sila pareho para mapangalagaan ang kanilang loveteam maging ang hukbo ng kanilang mga tagahanga na inaasahang dadagsa sa kanilang kauna-unahang movie, ang “That Kind of Love” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa darating na July 10.

Some of the scenes were shot sa mga kilalang lugar in South Korea na ginamit sa maraming hit Korean series and movies.

“Tiyak na kikiligin kayo sa first movie namin ni David,” paniniguro ni Barbie.

Bukod sa pelikula ay malapit na ring mapanood ang dalawa sa bago nilang TV series, ang “Pulang Araw” kung saan nina kasama sina Alden Richards, Dennis Trillo at Sanya Lopez.

Kapalpakan sa FAMAS may naidulot kay Eva

PicSA darating na June 28 ay 78 years old na ang veteran at controversial actress na si Eva Darren na dumalo sa 35th anniversary gala night at fashion show ng Wacoal – Philippines na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

Bago nagsimula ang fashion show ng Wacoal ay matagal naming nakatsikahan si Eva na ang ama ay Polish (from Poland) at ang kanyang real family name ay Geckowski.

Ayon kay Eva ay ipinagbubuntis umano siya ng kanyang Filipina mother nang magkahiwalay ang kanyang parents dahil sa World Ward II. Nagsusulatan umano ang dalawa hanggang ito’y matigil.

Na-trace ni Eva ang pamilya ng kanyang ama in Chicago nung 1987 nang siya’y magtungo ng Amerika. Sadly, her father passed on nung 1985 pero nakilala umano niya ang kanyang mga kapatid sa father side.

Nagsimula umano siya bilang extra at age 14 sa mga pelikula ng Sampaguita at unang pelikula niya ang “Tulisan” in 1962 kung saan tampok na mga bituin sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Tito Galla at Greg Martin at pinamahalaan ni Jose de Villa. Since mahirap i-pronounce ang family name ni Eva, binigyan siya ng screen name na Eva Darren.

Sa recent fiasco ng FAMAS, biglang naging sentro ng usapan si Eva na siyang naging biktima ng kapalpakan ng talent coordinator, wala man siyang balak na mag-ingay, kusa itong umingay nang mag-post ang anak niya on Facebook na may kinalaman sa negligence ng FAMAS during the awards night kung saan ay isa sa mga tatayong presentors ang veteran actress alongside Tirso Cruz III. Pero laking gulat ni Eva at mga kasama nang iba ang makapareha ni Pip (Tirso Cruz III) on stage at tuluyan na siyang kinalimutang tawagin.

Ayon kay Eva, kung siya lamang daw ay tatahimik na lang daw siya pero ang nangyari. Kung may positibo mang nangyari sa brouhaha ng FAMAS ay kagkasunud-sunod umano ang kanyang project. Matapos siyang ipasok sa long-running hit TV series na “Abot Kamay na Pangarap” ay may bago umano siyang serye na gagawin.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE