Angelica

Vivamax sexy star, umaming bi-sexual

December 16, 2023 People's Tonight 483 views

“So may boyfriend ka ngayon?”

‘Yan ang tahasang tanong ng isang entertainment writer sa 23-year-old sexy actress na si Angelica Cervantes.

Isa si Angelica sa mga pangunahing bida sa pelikulang Haslers na dinirek ni Jose Abdel Langit para sa Vivamax.

“Girlfriend po,” ang walang kagatol-gatol na sagot ni Angelica na ikinagulat ng press na nag-iinterview sa kanya.

“Non-showbiz siya at going three years na kami. Panahon ng pandemic nang magkakilala kami.

Umamin si Angelica na bi-sexual siya.

Aniya, “Hindi ako magiging sexual sa isang tao unless mayroon akong nararamdaman emotionally.”

Kasama si Angelica sa all-female group na VMX Bellas, na kinabibilangan din nina Denise Esteban, Hershie de Leon at Quinn Carillo.

Kumakanta at sumasayaw si Angelica.

Taong 2017 naging member ng Bella Donnas ang dalaga. Nag-start sila na siyam ang miyembro ng grupo.

Later on, na-rebrand sila bilang VMX Bellas.

Ipinagpatuloy ni Angelica ang pag-aaral ng Tourism sa Lyceum Manila.

Nang mag-pandemic, minabuti niya na huminto after two years.

“Mag-iipon muna ako ulit,” sabi niya. “Hindi naman aalis ang school.”

Sa ngayon, focused si Angelica sa showbiz career. Sa Haslers ng Vivamax, may mga topless scene siya.

“Alam ko naman sa sarili ko na kaya kong umarte,” aniya. “Sana naman may makapansin sa amin.

“Once may makapansin na sa akin at magtuluy-tuloy na ako sa mainstream, hindi na ako maghuhubad. Gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan,” saad niya.

Una siyang nagpa-sexy sa Eva noong 2021. Nakasama niya sa nasabing pelikula sina Angeli Khang at Ava Mendez sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

Pagkatapos nu’n, napanood din siya sa Kaliwaan at Biyak, kung saan una niyang nakasama si Quinn Carillo.

Bunso si Angelica sa apat na magkakapatid. Ang dalawang nakakatanda niyang kapatid ay may kanya-kanya nang mga pamilya.

“Kapag financially stable na ako, open din ako siguro na magka-baby sa karelasyon ko,” sabi niya. “Dapat open na tayo ngayon sa mga ganyang relationship. Sa akin, work is work.

“Basta professional ka at magaling ka sa ginagawa mo, walang magiging problema ‘yun,” rason ni Angelica.

Star-studded ABS-CBN Christmas Special, iere ngayong weekend

Muling nagtipon ang mahigit 300 na Kapamilya stars sa Araneta Coliseum sa unang pagkakataon pagkatapos ng pandemya para pasalamatan at magbigay saya sa fans sa Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023 na iere na sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC at TFC ngayong weekend.

Kaabang-abang ang world-class performances mula sa Kapamilya artists pati na ang iba’t ibang nakakatuwang song at dance numbers tampok ang Star Magic artists, Kapamilya leading ladies, leading men, loveteams at marami pang iba.

Nagpakitang-gilas din ang cast ng iba’t ibang ABS-CBN shows tulad ng FPJ’s Batang Quiapo, It’s Showtime, Pira-Pirasong Paraiso, Nag-aapoy na Damdamin, Can’t Buy Me Love, Senior High, It’s Your Lucky Day at I Can See Your Voice.

Isa rin sa mga hindi dapat palampasin ng viewers ang sorpresang song at dance performance nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kantang I’ll Be There for You, theme song ng hit sitcom na Friends na ikinabaliw ng buong Araneta.

May surprise appearance rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na hinarana ang Big Dome ng kantang nagsusumigaw ng “Pinoy Pride.”

Isa ring exciting highlight mula sa Special ang full force na pagkanta ng lahat ng Kapamilya stars ng ABS-CBN 2023 Christmas Special ID na Pasko Ang Pinakamagandang Kwento.

Huwag palampasin ang isang weekend na puno ng saya at pag-ibig sa panonood ng Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023 sa Kapamilya Online Live (YouTube at Facebook), Kapamilya Channel (8:30 p.m.), A2Z (8:30 p.m.), iWantTFC at TFC. Leah Salterio

AUTHOR PROFILE