Default Thumbnail

Vivamax lady direktor bet gawan ng BL movie si Joshua

October 9, 2024 Jun Nardo 173 views

BATANG tingnan si Direk Sigrid Polon, director ng Vivamax movie na “Undergrads,” na ang ilan sa mga bida ay sina Rica Arevalo, Van Allen Ong at Emil Sandoval.

Pero pinag-aralang mabuti ni Direk Sigrid ang lahat mula sa simula hanggang sa mabigyan siya ng break bilang director.

Experienced na siya in and out of showbiz!

Sa execution ng love scenes, ke GL at babae sa lalaki ang gumagawa, “I am more on hagod, eye contact. Gusto ko sensual din at hindi lang kangkangan! Hahaha!

“May sensual feeling. Kahit touching lang, may mapi-feel ka na!

“Sa GL, sa actors ko, mas comfortable sila doing the scenes with the girl kesa sa lalaki. Kasi guy, my restrictions.

“Nadadaan naman sa pag-uusap. Kasi nakikita sa screen kung asiwa. Sa GL, wala na minsan asiwa. They were open ‘pag GL,” sabi ni Direk Sigrid.

Eh, kung gagawa siiya ng BL, gusto niya makita si Joshua Garcia dahil baby boy at sa features niya.

Sino ang kaparehang lalaki?

“Bigla kong naisip si Gerald (Anderson)! Pero siguro, mas mature ‘yung guy,” rason ni Direk Sigrid.

Streaming na ang “Undergrads” sa Vivamax sa October 15. Ang isa pang pampainit ng Vivamax ngayong October 18 ay ang “Halinghing” nina Aiko Garcia, Jenn Rosa at Josef Elizalde.

Ayon kay Jenn, bahagi ng enjoyment sa lovemaking ang humalinghing, huh!

MATIPID SUMAGOT

MATIPID ang sagot ni Ma’am Malou Choa-Fagar sa balitang pamamahalaan niya ang umano’y bagong noontime show na ipo-produce ng TAPE, Inc. sa GMA.

Nagkita kami ni Ma’am Malou sa birthday ng kaibigang writer na si Allan Diones sa Family KTV.

Eh, balik-TAPE si MCF ngayon bilang president at CEO.

“Ayusin muna nila ang dapat ayusin. Wala pang timeslot!” aniya ukol sa mga bagong show na produced ng TAPE.

Kaya abangers na lang tayo, guys!

AUTHOR PROFILE