Bote

Viva stars, dagsa sa pagbubukas ng 50th Botejyu branch

November 30, 2022 Jun Nardo 363 views

PRESENT ang Viva stars na sina Andrea del Rosario at Lara Morena sa opening ng 50th branch ng food business ng Viva na Botejyu sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.

Nagtayo ng stage sa isang bahagi ng grand canal kung saan nagpasaya ang ilang baguhang Viva artists at singers na dumalo sa opening nito.

Sa totoo lang, nakatakda pang magbukas ng 36 branches ang Botejyu pero dadalhin nila ito sa Visayas at Mindanao.

Authentic Japanese cuisine ang handog ng Botejyu na open din for franchise.

TAKE 2 SA KASAL

MAGPAPAKASAL daw muli sina Ai-Ai de las Alas at asawang si Gerald Sibayan sa Las Vegas bago bumalik ng bansa ang Comedy Queen, ayon sa isa niyang kaibigan.

Nakatakdang bumalik ng bansa ang komedyana sa isang linggo upang harapin ang showbiz commitments niya especially ang singing competition na The Clash ng GMA kung saan isa siya sa judges.

Bago umalis ng bansa, nag-renew siya ng kontrata sa Kapuso network. Kahit may iba na rin siyang trabaho sa Amerika, hindi pa rin niya tatalikuran ang showbiz.

AUTHOR PROFILE