Linoca

Viva, blessing sa industriya — Direk Lino

October 14, 2022 Ian F. Fariñas 364 views

BLESSING sa industriya. Ganyan dinescribe ni Direk Lino Cayetano ng Rein Entertainment ang Viva Films ni Boss Vic del Rosario at mga anak na sina Vincent, Veronique at Valerie.

Sobrang collaborative raw ng pamilya Del Rosario sa maliliit na production outfit gaya ng Rein at all out ang pagtulong sa pagtono sa kanilang mga inihahaing proyekto.

Kwento ni Direk Lino sa virtual mediacon ng eight-part sexy-thriller series na Secrets of a Nympho, na prinodyus ng Rein para sa Vivamax, matagal na silang magkakaibigan nina Vincent at Val.

Kaya naman ang pakikipag-collab nila sa mga ito ay naghuhudyat ng exciting times para sa Rein Entertainment.

Mula sa panulat ni Philip King at direksyon ni Shugo Praico, ang Secrets of a Nympho ay isang materyal na matagal na nilang gustong gawin. Pero dahil sensitibo ang kwento — sex, drugs, atbp. — naghintay sila ng tamang pagkakataon at venue para buuin ito.

Tamang-tama naman na nagtugma ang materyal ng series sa gusto ng Viva bosses at timplada ng content sa Vivamax.

Natutuwa rin sila na makatrabaho ang ilang magagaling na talento ng Viva tulad na lamang nina Rhen Escaño, Ayanna Misola, Arron Villaflor, Gold Aceron, Josef Elizalde, Andrea Garcia, Stephanie Raz at marami pang iba.

Ang Secrets of a Nympho ay kwento ng mga kabataang nag-aaral sa isang prominenteng unibersidad. Isang krimen ang magaganap sa campus sangkot ang top student nitong si Brian (Arron) at ang crush ng bayan na si Hannah (Ayanna).

Dahil kwento nga ng buhay ng mga kabataang napapasok sa mga kalokohan, hindi raw magiging makatotohanan kung walang sex at drugs scenes sa series, ani Direk Lino.

Nang tanungin kung gaano ka-sexy ang proyekto, sinabi niya na “the series is as sexy as it needs to be.”

Bukod sa Secrets of a Nympho, sinabi rin niya na marami pa silang collab na gagawin with Viva. May sci-fi, love story at teen series na posibleng simulan kundi late this year, early 2023.

“It’s a collab kaya excited kami,” aniya pa.

Patuloy ng direktor/producer, malaki ang respetong ibinibigay ng Viva sa kanila bilang story writers kaya puring-puri niya ang kumpanya sa pagbibigay ng oportunidad sa mga bagong kwentong ibinabato ng mga gaya nila sa Rein Entertainment.

AUTHOR PROFILE