Alden

Virtual concert ni Alden, finalist sa NYF Awards

June 10, 2021 People's Tonight 441 views

Pasok ang virtual reality concert ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na Alden’s Reality sa short-listed entries mula sa Pilipinas sa 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.

Ang nasabing kauna-unahang virtual reality concert sa bansa ay nominado sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.

Bukod sa Alden’s Reality, finalist din sa NYF ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Reel Time, Reporter’s Notebook at The Atom Araullo Specials.

Ang Kapuso Network nga ang may pinakamaraming shortlisted entries mula sa Pilipinas dahil five finalist nominations ang nakuha nito.

Matatandaang ginanap ang Alden’s Reality, na produced ng Synergy: A GMA Collaboration noong Disyembre, bilang selebrasyon ng isang dekada ni Alden sa showbiz.

Ito rin ang kauna-unahang international nomination ng nasabing hit concert.

Amazing‘KABERDEHAN’ NI MAYOR VICO, ILALANTAD NI DINGDONG

Bagong adventures at marami pang inspiring stories mula sa local heroes ang naghihintay sa Kapuso viewers sa three-part anniversary special ng award-winning infotainment show na Amazing Earth simula ngayong Linggo, June 13, sa bago nitong time slot.

Tampok sa special episodes ang wildlife stories mula sa BBC nature documentary na “Seven Worlds, One Planet” na kuha mula sa sa iba’t ibang panig ng mundo at halos limang taong binuo.

Ngayong Linggo, tutukan din ang eksklusibong panayam ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kay Pasig City Mayor Vico Sotto na ibabahagi ang environmental efforts sa kanilang lungsod kagaya na lang ng kanilang floating farm.

Kuwento ni Dingdong, “We have a special guest sa unang anniversary special namin, si Mayor Vico Sotto. Kahit busy siya at birthday ng mommy niya na si Ms. Coney noong araw na ‘yun, he shared his time with us para ipakita ang ‘green side’ niya.”

Samahan si Dingdong na lakbayin ang ating nag-iisang planeta sa three-part anniversary special ng Amazing Earth, simula ngayong Linggo, sa bago nitong time slot, 7:40 p.m., bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE