Gabbi

Viral video, nilinaw nina Ian at Heaven

December 15, 2022 Ian F. Fariñas 202 views

SINAGOT nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo, mga bida sa MMFF entry ng Rein Entertainment na Nanahimik ang Gabi, ang isyu tungkol sa nag-viral nilang video kung saan makikitang hinalikan sa noo ng aktor ang batang aktres.

Marami nga raw kasing netizens ang nagalit sa maikling video na kuha umano sa isang photo shoot para sa nasabing suspense-thriller film.

Ani Ian, “Maraming nagalit, eh. Madaming natuwa, madaming kinilig. Sabi ko nga, bakit ganun, ikaw ‘yung 22 years old, ikaw ‘yung babae, ba’t parang ako ‘yung biktima? Hahaha! So, ‘di ba?”

Paliwanag naman ni Heaven, “When we did it kasi, parang ano lang siya, parang innocent fun lang, kumbaga. Parang I just saw it. Sabi ko, i-try natin ‘to, o, gawin natin ‘to. Eh, ito naman, si Papa Ian, sobrang go. So hindi rin naman namin talaga in-expect na a lot of people would watch it and, you know, make fun of…”

Patuloy ni Ian, “Even up to now, I still don’t know what the fuzz is all about, kasi it’s a video of you, and you face me and I kiss your forehead. So, sabi ko, ‘ha? May bastos ba du’n? May malaswa ba sa ginawa ko?’

“Sabi nila, ‘hindi, ‘yung tinginan n’yo kasi eh, ganyan-ganyan. May babae na nagsabi sa akin na ganu’n, eh. ‘Kami, as women, alam namin ‘yung mga ganu’ng tingin ni Heaven.’

“Pero ‘yun ‘yung maganda, may engagement, ‘di ba? I hope they’d be curious enough to watch the movie.”

Nang tanungin kung pwede siyang mag-fall kay Ian sa totoong buhay, sinabi ni Heaven na pwede, kung binata ang aktor.

Hanga raw siya sa qualities nito at laking pasasalamat niya na ito ang partner niya sa kauna-unahang pelikula kung saan nagbabaga sa init ang kanilang mga eksena bilang lihim na magdyowang Chief (Ian) at Meann (Heaven).

Para naman kay Ian, kung binata raw siya, hindi posibleng maging “Sugar Baby” niya si Heaven dahil hindi pang-Sugar Baby lang ang aktres.

Anyway, mapapanood na sa December 25 ang Nanahimik ang Gabi kung saan kasama rin nina Ian at Heaven si Mon Confiado sa ilalim ng direksyon ni Shugo Praico.

AUTHOR PROFILE