Default Thumbnail

Vintage bomb, bala nahukay sa ospital

January 27, 2022 Jonjon Reyes 311 views

NAHUKAY ng mga construction worker ang isang vintage bomb at mga bala sa isang parking lot ng ginagawang Bagong Ospital ng Maynila, Mabini St., Quirino Avenue, Malate, Manila.

Dinala ni Rommel Panaligan 48, safety officer ng Unincorporated Joint Venture of Persan Construction Inc. at Frey-Fil Corporation, ang mga nahukay na 105mm na high explosive projectile at 150mm anti-aircraft ammunition.

Nabatid at nai-turnover ito sa tanggapan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, Station Commander ng Manila Police District Police Station 9 (PS 9).

Napag-alaman din mula sa project manager na si Shiela Layese, 53, naantala umano ang pag-uulat nila sa pulisya sa mga nadiskubreng bomba at bala na noon pang Nobyembre 18, 2021 pa ito nadiskubre.

Matapos mai-blotter sa PS 9, dinala ang mga nahukay sa MPD-Explosive and Ordnance Division at para ipasuri sa Camp Crame. Nina Jon-Jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE